Chapter 29: Sleeping pills
“DON’T You dare!” I warned him nang sinubukan niyang sumampa sa bed ko. Kunot-noong tiningnan pa niya ako.
“Wala pa akong gagawin sa ’yo, Miss. Gusto ko lang magpahinga dahil buong araw akong nasa labas para lamang hanapin ka!” sigaw niya sa akin at tinanggal ang kumot sa katawan ko.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang ihagis niya lamang iyon sa sahig at saka siya humiga pero pabaliktad naman. Nasa paanan ng kama ang ulo niya at ginamit na niya ang unan niyang binato ko sa kanya kanina. Nang silipin ko ang mukha niya ay nakapatong ang kaliwang braso niya sa itaas ng kanyang noo.
“Sino ba kasi ang nag-utos sa ’yo na hanapin mo ako, ha?” tanong ko sa kanya. Saka malay ko ba naman na hahanapin niya ako? Kasi ang alam ko ay wala naman talaga siyang pakialam pa sa akin. Kaya bakit?
“Sino ba kasi ang biglang umalis ng walang paalam, ha?” balik na tanong niya sa akin. Inilayo ko ang paa niya na malapit sa mukha ko pero nang-aasar talaga siya dahil siniksik niya iyon sa itaas ng ulo ko kaya pinalo ko.
“Tanggalin mo nga ang paa mo. Ni hindi ka pa naghuhugas niyan! You said ay kagagaling mo pa lang from outside!” sigaw ko sa kanya at bigla naman siyang bumangon. Hinila pa niya ang pulso ko para makaupo rin ako. Agad kong tinabig ang kamay niya.
“Miss, ang phone ay dapat ginagamit mo palagi in case lang na may mangyari sa ’yo at para may matawagan ka. Hindi iniiwan sa center table,” paalala niya sa akin sabay bigay ng phone ko. Kinuha ko naman iyon at ibinato ko sa unan ko. “Ang tigas talaga ng ulo.”