Chapter 30: Wanted to Marry
“HINDI ba pagod ka na? Bakit hindi ka pa matulog?” tanong ko sa kanya. Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya.
“Fine,” malamig na sabi niya at ang akala ko ay matutulog na nga siya pero nilapitan pa rin niya ako. He sat down beside me at may hawak siyang disposable cup at may laman na itong tubig.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang isa pang tableta ng sleeping pills. Tumaas ang sulok ng mga labi ko at hindi ko na napigilan pa ang mapangiti. Tinaasan pa niya ako ng kilay.
“Sige na. Hindi na kita pipilitin pa. Drink this but you need to limits yourself, okay? Subukan mo na uminom nito twice a week, hmm?” malambing na sabi pa niya sa akin. Puwede naman siyang maging mabait talaga, eh. Hindi iyong palagi akong sinusungitan.
“Ano iyan? Nagiging mabait ka na naman sa akin? Ngayong gabi lang?” nakataas ang kilay na tanong ko rin sa kanya.
“Miss, hindi kita aawayin sa gabi,” sabi niya at nawala ang ngiti ko sa labi nang makita ko rin ang pagngisi niya. Dahil alam ko kung ano na naman ang iniisip niya.
“You...”
“Come on, drink this, and we’re going to sleep,” mariin na utos niya sa akin at sumunod naman ako sa kanya pero nang umiinom na ako ng tubig ay nakarinig naman ako ng tunog ng...
“What was that, Engineer?” nakangising tanong ko sa kanya. Ang tiyan niya mismo ang nag-iingay. I’m sure na hindi pa siya nag-dinner.
“Ngayon ka lang ba nakarinig ng ganoon?” nang-aasar na tanong niya sa akin.
“Are you hungry?” I asked him. Kinuha niya mula sa akin ang cup saka siya tumayo. Inubos niya ang laman nito saka niya ibinato sa trash bin.