Anasandra's POV Napatingin ako sa kissable na labi ni Hayes. Hindi naka lipstick ang binata, pero mapula ang mga labi niya at parang ang sarap mukbangin. Sunod-sunod akong napalunok at napa atras ng kaunti. Maya-maya pa ay kinabig ako ni Hayes papalapit sa kanya na sobra kong ikinagulat. "A-anong ginagawa mo? ", naiilang kong tanong ngunit hindi siya umimik dahil pinihit niya ang cooking range para isarado. "Luto na ang pancit canton", saad niya sa akin sabay bitaw ng aking beywang at itinuon ang sarili sa pag salin ng pancit canton sa salaan. Napahaplos ako sa aking kamay at nakaramdam ng hiya. Akala ko kasi ay hahalikan niya ako. "Ako na dyan. Ba-bakit ka ba kasi tumutulong?" "Napaso ka kaya tinulungan na kita", cold na saad ng binata. Matapos niyang haluin ang pancit canton ay

