Anasandra's POV Sunod-sunod akong napalunok matapos yakapin ni Lance. Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Amoy na amoy ko din ang mabangong pabango ng binata. "La-lance" "Psssst! You need a hug para kumalma at mabawasan ang stress mo", bulong ng binata sa akin habang mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa aking katawan. Hindi ko maiwasang i kumpara ang yakap ni Hayes at Lance. Pareho kong naramdaman ang kapayapaan sa kanilang mga bisig. Masyadong gentleman si Lance at mabait samantalang si Hayes ay Suplado kong magsalita, pero sweet din naman sa mga gestures. Si Hayes yong lalaki na kapag sa kanya ang isang Babae ay ayaw niya itong ipahawak sa iba at lahat gagawin niya to protect her in an aggressive way. Para siyang Mafia

