REGINA POV
"Salamat Ate Natty nag-abala pa kayong ihatid ang mga ito!," anya sa napakaaga niyang panauhin.
Hanggang sa labas lamang ng bakuran niya si Ate Natty dahil nagmamadali pa raw itong ihatid ang iba pang mga ukay-ukay. Sumakay lamang ito ng tricycle na pinapasadahan ng mister nito.
"Wala iyon, Regina, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo kapwa online seller!," sagot naman nito.
"Wow naman ate, bilib talaga ako sa suporta mo ate, maaasahan talaga kita!," drama niya pa na tila hindi magtatagal ay namumuo na ang pamamasa ng kanyang mga mata.
"Ai sus Regina, huwag ka ngang magdrama diyan kay aga- aga pa at baka malasin tayo. Basta consigne pa rin tayo, sige na at marami pa kaming hahatiran, babu!!!," hindi na hinintay pa ni Ate Natty ang sagot niya at sumakay na ito sa traysikel.
Punong- puno pa ng malalaking supot ng ukay- ukay ang loob ng traysikel na sinakyan ni Ate Natty. May nakuha kasi itong supplier ng top-grade quality man and woman apparels at isa siya sa mga resellers pero consignment nga ang kasunduan nila ni Ate Natty.
Kung ano lang ang mabebenta ay iyon lamang din ang babayaran niya. One week consignment basis lang kasi fast moving items naman lahat. Mga men's tees and polos nga ang namine niya ngayong linggo kay Ate Natty dahil iyon ang madalas na request ng kanyang mga customers.
Habang hinihintay pa niya ang pagship sa kanya ng mga orders niya mula sa suppliers niya sa Visayas at Mindanao ay ito muna din ang aatupagin niya ang pagpopost ng ukay- ukay sa timeline niya o hindi kaya magschedule siya ng live selling sa page niya.
Ang private profile account niya naman ay hindi niya ginagamit para lamang iyon sa personal na mga kakilala, kapamilya at kaibigan niya. Ang business page niya ang lage at aktibo niyang ginagamit sa pagsagot ng quiries at chats ng mga prospects buyers at customers.
Kagabi lang din niya na check ang inbox niya sa business page niya. More than hundred messages na iyon na iniisa- isa niyang nireplayan dahil nga hindi na siya nakatulog sa kakaisip sa muntik ng may mangyari sa kanila ni Rogelio.
Karamihan sa mga mensahe na kanyang natanggap ay mga new customers at nagsent ng mga orders mula sa album niya. Hindi lang iisa ang order ng bawat customers kung hindi dosena o iilang piraso din. Buti na lang din ang mga items na gustong orderin ng mga customers ay mabibili niya lang ng mura sa bayan kaya't mapapadala niya lang ito agad- agad sa mga address ng mga ito.
Karamihan nga sa mga customers ay nagpadala na ng shipping details at karamihan sa gitnang Visayas at Hilagang Mindanano. Hiningi na rin ang kanyang payment details na ibinigay niya rin. Sayang din naman baka magbabayad na ito ng half pero nagtaka siya ng biglang tumunog ang telepono niya at nagnotify ang online remittance kung saan may account siya.
Nagulat siya ng mabasa ang numerong nakarehistro na nagkakahalaga sa binayad ng mga customers. Iba- iba ang halaga at karamihan ay full- payment kaya't pumalo rin sa baynte mil ang nalikom na remittances sa kanyang account.
Ngayon lang talaga nangyari na maraming umorder sa kanya at fully paid agad kaya't kagabi ay nilista na niya sa order book niya ang mga paid at number of items ng mga customers pati shipping details nito para madali na lang ang pagprocure at pagship niya.
Plano niya kagabi na ngayong araw din ay luluwas siya ng bayan para mamili at mamayang gabi ay eepack niya na ang mga items at bukas na bukas rin ay ipapaship niya na through W&H shipping services.
Wala naman talaga siyang naging problema sa transaksyon niya sa W&H. Sa mahigit tatlong taon niya ng courier ito sa kanyang mga binebenta online ay napakaayos at napakadali ng shipping duration nito at sulit naman ang shipping fee.
Siguro nagkataon lang talaga iyong nawala niyang parcel. Pero baka hindi talaga ito nawala baka namisplace lang sa daming parcels na pasok at labas sa tanggapan ng W&H. Nagpapasalamat nga siya dahil nahanap ito ni Rogelio at nasauli sa kanya ang parcel na buo at sealed pa.
Nang maisip niya si Rogelio ay nanumbalik siya sa kasalukuyan. Nang hindi niya na matanaw ang tryasikel ni Ate Natty ay pumasok na rin siya sa loob at isinara ang kahoy na gate. Napabuntong- hininga siya habang buhat - buhat ang malaking cellophane na naglalaman ng premium quality tees and polos.
Nasa fifty pesos din ang nireserve niya for consignment. Plano niyang maglive selling pagkatapos niyang pakainin at paliguan ang anak. Tulog pa naman si Thea dahil alas siyete y medya pa ng umaga, mga alas otso pa iyon magigising.
Dahan- dahan siyang pumasok ng bahay at inilapag ang cellophane ng ukay- ukay sa likod ng pinto. Nadatnan niyang mahimbing pa ring natutulog sa sofa bed si Rogelio habang topless ito at nakapantalon lamang.
Halos manuyo ang kanyang lalamunan sa kaakit- akit na tanawin sa kanyang harapan. Nangingintab pa sa pawis ang mapuputi at mamasel nitong dibdib. Hindi lang anim na pandesal mayroon ito kung hindi walo.
Napapakagat- labi na lamang siya sa sarili habang walang tigil ang paglandas ng mga mata niya sa kabuuang kakisigan ni Rogelio na mala- Adang himbing na natutulog.
"Oh, Lio ang macho mo talaga, ang dibdib palang ulam na!," malakas na nausal niya na sa huli ay napatameme siyang nakatanga na lamang kay Rogelio.
ROGELIO POV
"Done checking me out, Ina!?," naaaliw niyang saad ng pagbukas ng kanyang mga mata ay nahuli niya itong nakatanaw sa kanyang hubad na dibdib.
"Over my dead body, hindi kaya! napuling lang ako kaya't napatigil ako sa harap mo... oo, ... tama... napuling nga ako sabi!," pinagdiinan pa nito na nakalukot ang noong nanlalaban sa kanyang paratang.
"You are, don't deny it Ina! huling- huli na kita huwag ka ng tumanggi pa and you know what, okay lang iyon Ina, iyong- iyo naman talaga itong katawan ko!," nakangisi siyang sumisipol at bumangon.
Kahit pa nabitin siya kagabi dahil akala niya ay maaangkin niya ng tuluyan si Regina kagabi ay napakaganda ng gising niya knowing that he is just near his cravings. Nasasabik siyang malasahan at matikman ng buo si Regina ngunit hindi niya ito pipilitin. Hihitikin niya muna ito sa hinog bago tuluyang pipitasin.
"Well, sorry na lang kahit pa ang ganda ng katawan mo at gaano ka pa kagwapo kung hindi kita type ay hindi kita papatulan Rogelio, kesehudang mapanis iyang katawan mo!,"
"Weeh... kakainin mo rin iyang sinabi mo, lna, my sweetheart!!! call me Lio! Ano ba ang ulam natin sweety gutom na ako!," kunwaring nagugutom na siya kaya't hinimas - himas niya pa ang kanyang tiyan upang magmukhang makatutuhanan.
"Grrrrruhhhhh loslos mo!!!! Hindi pa ako nakapagluto mahal na kamahalan, leche! Aba'y sumusobra ka na, ah, nakitulog ka na nga lang hihirit ka pa ng pagkain, kapal muks mo oi!," maangas nitong pangatwiran sa kanya.
"Gusto mo ako na lang magluto para sa atin ni baby Thea, ako bahala sweety, relaxs ka lang diyan!," agad siyang humakbang papalapit kay Regina at hinila ito paupo sa sofa.
"Tsuppp," magsasalita pa sana ito ngunit binigyan niya ito ng malakas na smack sa labi nito at tumungo na siya agad sa maliit nitong kusina.
Napansin niyang kahit maliit at payak lamang ang mga kagamitan sa kusina ni Regina at maayos naman na nakasalansan ang mga kagamitan nitong pangkusina na ikinabilib niya rito. Kahit pa abala ito sa pag-aalaga ng anak at paghahanap ng raket upang itaguyod silang mag-ina ay masinop ito sa bahay.
Binuksan niya ang five cubic refrigerator nito at bumungad sa kanya ang punong- puno ng laman na ref. Marami itong canned juices, biscuits, fruits and vegetables. Ang frozen section ng ref ay may mga karne ng nakalagay sa mga freezermates.
Agad na siyang nakaisip kung ano ang lulutuin. Nagsangag na lamang siya ng fried rice na nilagyan ng mga gulay na sahog tu
ad ng green peas at carrots na hiniwa niya into cubes. Naghiwa din siya ng maliliit na karne ng baboy at isinama sa fried rice at sa panghuli ay tinoppingan niya ng itlog.
"Breakfast is ready, sweety, let's eat," mabilis siyang nakasandok ng fried rice sa mangkok at binitbit iyon patungo kay Regina na nakatanga lamang na nakatingin sa kanya.
Sinubuan niya ito gamit ang isang kutsara na gamit niya rin sa pagkain. Magkatabi sila sa sofa habang kumakain kung puwede pa lang na buhatin niya ito at ipatong sa kanyang binti ay ginawa niya na kaso baka magising si manoy.
Mahirap na baka mangyari na naman muli ang nangyari kagabi. Kailangan niya na ngang makaisip ng paraan upang mapagsolo sila ni Regina at the same time hindi naman nila mapapabayaan ang bata habang nabebetime siya sa kanyang hot momma.
"Masarap ba, Ina?," anas niya ng makailang subo na siya rito.
"Mmmm... puwede na!," tipid nitong sagot.
"Hmnnnp... dahil nilutaan kita ng masarap na fried rice ala chowfan dapat may premyo ako!," may naisip na naman siyang paraan upang tuksuin ito.
"Gosh, binusog mo nga ako, may kapalit naman, graveh ka Lio!," angal pa nito.
"Sige, para hindi naman magmukhang inobliga kita, ikaw na lang ang bahalang magbigay ng premyo sa akin!," hikayat niya kay Regina.
"Haist.... ang premyo mo.... ahhhh... sige na nga bibigyan kita ng ukay- ukay shirts na magagamit mo sa trabaho, okay ba iyon?," safe nitong sabi at bahagyang umiwas na sa kanya.
"Ahmnn, wala namang ibang mas exciting?," kunwaring angal niya.
"Wala na akong naiisip na puwede kong ipremyo sa iyo.... ah... wait, gusto mo exciting?!," anya ni Regina.
"Woah.... siyempre naman!!! Ano ibibigay muna sweety?," singhap niya at inilapit ang mukha rito.
"Gusto mo talaga ha!!! Hmnnnp, sige na nga hubad na ahhh ehhh nakahubad ka na nga pala!!!,... wait, hintayin mo ako!!," biglang bumilog ang kanyang mga mata sa sinabi ni Regina na sandaling naglakad sa unahan at bumalik rin agad na may bitbit ng cellophane.
"Ano iyan sweety?," kunwaring naiinip siya.
"Gusto mo talaga ng premyo, puwes tulungan mo akong maglive- selling ng mga ito, ikaw ang gagawin kung living manequin, oh, hindi ba premyo mo iyon, pagkakataon munang sumikat, ano game?," tila siguradong- sigurado sa sarili nitong sabi na papayag siya.
"Ah... eh, instant online model...! Sweety, mahiyain ako, huwag na lang ah!," salungat niya dahil paniguradong marami ang makikilala sa kanya at sigurado siyang matatapos rin kaagad itong pamemeke niya ng katauhan.
"Huwag ka ng tumanggi, ikaw mahiyain?kapal nga ng mukha mo ikaw nga itong nagpupumilit na isiksik ang sarili sa akin!," pasuplada nitong sabi.
"Talaga lang sweety, hah! eh, sino itong tulo laway habang nakatitig sa akin?," tukso niya pa.
"Hoy sobra ka kung makakuwento, hindi ah!!! Ano na payag ka o hindi?," mqang nitong sabi.
"Oo sige na nga malakas ka sa akin Ina, pero parequest sana takpan mo lang ang mukha ko, eh shy ako eh!," kunwaring paarte effect niya.
"O siya maghanda ka na!," rinig niyang huling sabi nito bago inayos ang mga ukay- ukay, paniguradong mapapasubo siya sa bagay na ito kung hindi lang siya nababaliw kay Regina ay nungka siyang susunod rito.