SUBTLE WARNING!!!
SOME SCENES WITH HOT AND STEAMY, READ AT YOUR OWN RISK!!!
RODGE WINTER POV
"Kampay!!!," malakas niyang sabi habang inaangat sa ere ang isang bote ng alak.
Halos nakaubos na nga sila ng tatlong case ng beer at limang maliit na bote ng red horse ang naubos niya. Magaan ang kanyang pakiramdam at tila nahihilo na rin siya ng konti pero gising na gising pa rin ang kanyang diwa.
Ngayon lang siya naparami ng inom ng beer. Madalas kasi brandy ang iniinum niya.Umiinom lang siya occasionally at kapag may gatherings sa kumpanya and night out ang kanyang kabarkada.
Paul and Jay are his close friends. Hindi nga sila mapaghiwalay magbarkada since elementary to college kahit pa iba-iba ang kursong kinuha nila. They were called back then the three hunky musketeers.
But things turn out differently when they finished their studies and have their own career path to take. Paul had to move in Vancouver, Canada where his family has a real state business while Jay stayed in Australia but concentrated his career as a university professor there.
Hindi na nga mapagtagpo ang mga schedules nilang magbabarkada. Siya rin ay abala na sa pagpapatakbo ng W&H shipping and delivery services. Kung may pagkakataon man siyang makainum ng alak ay kung napapadako siya ng bar at may babaeng mag-aalok ng brandy at iyon na nga sa kama ang bagsak nila.
He is not really into drinking liquor pero ang nangyaring inuman nila ngayon ng mga tauhan niya ay nakadagdag ng libido at kagustuhan niyang dalas- dalasin ang ganitong pagkakataon pa na makasalamuha ang mga tauhan.
Nakikinig lamang siya kanina sa mga saloobin ng mga riders patungkol sa pag-ibig. Hindi nga nila pinoproblema kung paano paibigin lalo ang mga asawa nila kung hindi paano buhayin ng maayos at marangya ang mga asawa at mga anak sa kakarampot nilang kinikita.
Hindi naman talaga sasapat ang minimum wage na tinatanggap ng mga private employees lalo na ng mga delivery riders na kahit sa ulan at sa init ang sumusugod upang maihatid lang on time ang mga parcels ng mga clients.
Kaya ito ang gusto niya na nasa operations at frontliners siya nakatutok dahil naririnig at nalalaman niya ng direkta ang mga hinaing ng mga tauhan niya. Naniniwala kasi siya na ang manpower ay higit na mahalaga upang umangat at umunlad ang kanyang negosyo.
"Boss, nakakarami na tayo, hindi ka pa ba nalalasing, may delivery pa kami bukas!," angal pa ni Lester.
"Hoy, Les, kabinata mong tao, anong minamadali mo diyan kampay pa nga daw sabi ni boss!," hirit naman ni Lyndon na sa limang tauhan niya ay ang mas may tama na sa kanila pero panigurado niyang hindi pa ito sukdulang lasing na.
"Brod, palibhasa kayo sanay na magsunog baga, eh, paano si boss ang layo kaya ng Maynila para pagbiyahein natin pauwi!," sagot naman ni Lester na tumayo na.
"Oh siya nga naman boss, kaya n'yo pa bang humirit pa ng ilang bote ng beer, pulang- pula na kayo, kami ayos lang hindi ba mga brod?," baling nito sa kanya at sa mga kasamahan.
"Brod, sorry talaga nagtext na si kumander mauuna na ako sa inyo, ikaw Les, sasabay ka ba sa akin?," anya pa ni John ang pinakatahimik sa mga riders na kanina pang nakikisabay at nakikinig lang sa kanilang palitan ng kuro- kuro at ideya.
"Ang labo mo naman pre, takosa ka kasi! Ang aga pa naman wala pa ngang alas nuwebe ng gabi," reklamo naman ni Joel.
"What is takosa?," hindi niya mapigilang magtanong kahit medyo nahihilo na siya kaya't pahapyaw niyang hinilot hilot ang kanyang sintido.
"Takot sa asawa boss, hahaha!!!," naghalgapakan ng tawa ang mga riders pati na rin si John na siya mismo ang binubully ng mga kasamahan niya.
"Eh, ano ngayon mga parekoy? At least ako hindi outside de kulambo ngayong gabi, ready na nga si misis pag-uwi ko ngayon ...heheh yayariin ko na...bwahahah!!!," ang akala niya'y seryoso- seryoso si John dahil sa pananahimik nito eh mas lala pa pala ito sa apat dahil sa green nitong magsalita.
"O siya humayo na kayo ni Lester, kami na ang bahala kay boss!," bad trip na turan ni Dex.
Nauna na ngang umuwi ang dalawa at nagpaiwan pa ang tatlo at dinamayan at sinamahan pa siya sa pag-ubos ng isa pang case ng red horse beer na pinadagdag niyang niki kanina. Bilib din talaga siya sa lakas ng tatlo sa inuman.
"Boss, kaya mo pa bang magmaneho pauwi ng Maynila? Anong oras na rin?," saad pa ni Lyndon.
Tinutukoy nito ay kung kaya niya pa ba patakbuhin ang kanyang bagong modelong kotse na Toyota Land Cruiser. Isa kasi sa kahinaan niya ang pagbili ng mga luxurious cars. Pinark niya lang ang nasabing kotse sa likod ng gusali ng delivery service shop nila.
He rented a special parking space para lamang sa kanyang bagong kotse. Ang ilan sa kanyang mamamahaling sasakyan ay nasa sa mansiyon nila sa Australia. Ang iba naman ay nakagarahe sa exclusive parking space na pag-aari sa main W&H tower building sa Maynila.
Hindi siya madalas sa malaking opisina niya nakatambay. Pumaparoon lamang siya once a week upang pirmahan ang dapat niyang lagdaan. Para sa kanya anong silbi ang pagsusuweldo niya ng malaking halaga kung hindi ginagawa ng mga top executives niya ng mabuti ang mga tungkulin ng mga ito.
Kaya nga siya kumuha ng mga calibrated and expert employees upang siyang gumawa ng mga trabaho para sa kanya. Simple lang naman ang prinsipyo niya sa buhay iyon ang do what makes your life happy and money is earn to enjoy not to stress you up.
"Uhmnnn... gusto mo ba akong maaksidente,huh?," maangas niyang sabi.
"Ah eh hindi naman boss, nagtatanong lang eh," nagkamot na lamang si Dex sa ulo nito sa pabalang niyang wika.
"Uhmnn... sen--siya na, I feel like so hot. I need a cold sho--wer I guess," mungkahi niya na nagsisimula ng sumalapid ang mga kataga niyang binitawan.
"Naku, boss!!! Paktay lasing ka na nga, paano iyan mga parekoy, asan natin ihahatid si boss, mukhang hindi na nga iyan makakapagmaneho pauwi!," nag-alalang saad pa ni Dex.
"Ipacheck- in na lang natin si boss sa malapit na hotel para makapagpahinga iyan ng maayos!," suhestiyon naman ni Lyndon.
"Nooo...nope... I am good, I can ma--nage ma--lakas pa ako, oh, pwede pa nga ako pumun-ta kay Regina!," bigla siyang napadilat ng mga mata at nagpalipat - lipat ng tingin sa tatlo.
"Boss!!!! Galing mo ah, alright... mga pre... alamz na saan si boss ihahatid... doon kay hot single mama...weeh... !!!," naeexcite na sabi pa ni Joel sa kanila.
REGINA POV
Samantalang halos traynte minuto na niyang sinasabunan at kinukuskos ang kanyang balat sa loob ng maliit na banyo nila. Parang hindi pa rin siya na nasisiyahan at tila nakukulangan pa rin siya.
Sa sobrang sarap ng nararamdaman niya habang nasa ilalim ng dutsa at mabining lagaslas ng tubig habang binubuhos niya ito mula sa tabo patungo sa kanyang kahubdan ay hindi niya na alintana ang ingay sa labas ng kanyang bakuran.
Sunod- sunod at malalakas na busina ng motorsiklo ang nagpatigil sa kanya. Bumubula pa ang kanyang mukha dahil binabad niya ang niacimanide soap dito. Dali- dali niyang binanlawan ang kanyang mukha at katawan kahit may konting bula pa ay kinuha niya na ang tuwalya at tinapis na sa basa niyang katawan.
Inis na inis siya sa sinumang taong walang- hiya at walang respetong bumulahaw sa katahimikan
at payapang gabi niya. Oras na sana ng pahinga at pagtulog, bakit may ganitong klaseng nilalang sa mundo na mas nanaisin pang manggulo at maglikha ng ingay.
"Buwesit! Sinong animal o herodes ka, lagot ka sa akin ngayon, walang modo!," singhal niya habang padabog na lumabas ng banyo.
Kinuha niya na lamang ang tuwalya ng anak na nakalapag sa sofa at binalot sa kanyang basang buhok. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na busina ng motorsiklo ng kung sinumang herodes sa labas ng kahoy niyang bakuran.
Mahigpit ang pagkakahawak niya ng pagkabuhol ng dulo ng tuwalya sa kanyang dibdib ng lumabas siya ng kanyang tahanan. Bagamat may takot at pangamba man ay tinapangan niya na lamang ang kanyang loob. Wala siyang ibang maasahan na magliligtas sa kanilang mag-ina kung hindi siya lamang.
Bago pa siya naglakad upang buksan ang gate ay kinuha niya muna ang balisong na tinago niya sa imbakan niya ng mga doormat sa gilid ng terasa. Humanda sa kanya kung sino mang herodes na nanggugulo ngayon sa labas ng bahay niya.
Napakabastos naman nito para bumisina ng walang tigil na nakakarindi at nakakasakit sa taenga. Kung may kailangan ito sa kanya puwede naman sigurong isang busina o katok lamang ang gawin nito.
Ngunit parang umatras din ang tapang niya dahil sa kanyang hitsura. Babalik pa sana siya sa loob upang magbihis ng matinong damit. Bahala na ngang magbusina at mag-intay ng matagal ang herodes sa labas.
Ngunit naisip niya na baka tuluyan na ngang maggising ang kanyang anak kung bubuksan niya pa ang pinto ng silid nila. Hindi kasi nakadala ng bihisan pagpunta niya ng banyo. Mabuti na lanh din at malakas ang tunog ng electric fan sa silid nila kaya't malabong marinig ni Thea ang ingay sa labas.
Dali- dali na lang siyang naglakad patungo sa gate upang buksan ito. Ang isang kamay niya ay hawak ang balisong samantala ang isa naman ay hinigpitan niya ang hawak sa dibdib niya upang hindi mahulog ang nakatapis niyang tuwalya.
"Hi, Mam Regina!," nagulantang siya ng buksan niya ang pinto, isang lalakeng hindi niya kilala ang bumati at ngumisi sa kanya na may angkas ding dalawang lalake sa likod nito.
"Sino kayo? Huwag kayong lalapit!," banta niya sa mga kalalakihan na bumaba na ang isang angkas na nasa hulihan kaya't dali- dali niyang isinara ang pinto ngunit napatda siya sa boses na kanyang naulinigan.
"Regina, ako to si Rogelio!," ang husky ng boses nito na nagdadala ng pangilabot sa kanyang kalamnan.
"Anong ginagawa mo rito, Ro---rorro-gelio? gabi na ah at nanggugulo pa kayo, wala ba kayong mga hiya, ang babastos n'yo lalo ka na!," duro niya sa may hawak ng manobela ng motorsiklo.
"Paumanhin Mam Regina, baka kako tulog ka na eh--- sensiya na talaga, kasi itong si Rogelio eh... lasing na takot naman kaming ihatid pa ito sa kabilang bayan dahil lasing na rin kami, puwede ba raw dito na lang siya magpalipas ng gabi!?," may kumpiyansang pahayag pa ng lalakeng nagmamaneho ng motorsiklo.
Sasagot pa sana siya ngunit maagap na dumagdag at bumanat si Rogelio ng pabulong na hindi niya napansin nakalapit na pala sa harapan niya, "Uhmnn... taste sweet at the same time salty."
"Sige mam Regina, ikaw na bahala sa kasamahan namin ha, ingatan mo iyan," paalam pa ng isang lalakeng nasa hulihan na nakaangkas kanina.
Mabilis na nakaangkas ng motorsiklo ang lalakeng huling nagsalita at agad ding pinaharorot ng lalakeng drayber ang motorsiklo kaya't naiwan silang dalawa na lang ni Rogelio sa labas ng bakuran niya.
"Hoy, Rogelio sinong nagsabi sa iyong puwede kang makitulog sa bahay ko ngayong gabi? Ang lakas naman ng loob mong makituloy eh hindi naman tayo close!," buwelta niya kay Rogelio na nakatunghay sa kanya na tila nangungusap ang mga mata dahil sa malamlam na sinag ng ilaw mula sa posteng malapit lang sa kanilang kinatatayuan.
"Hindi nga ba Regina?," maikling tugon nito na tangkang hinaplos ang kanyang pisngi ngunit agad siyang nakailag papasok sa loob ng bakuran niya.
Ramdam na ramdam niya sa kanyang likuran ang pagsunod ni Rogelio sa kanya dahil tumatama ang hininga nito sa kanyang batok pababa sa kanyang likuran. Sa hindi mawaring pakiramdam ay agad niyang hinawakan niya ng dalawang kamay niya ng mahigpit ang pagkabuhol ng tuwalya sa kanyang dibdib.
Takot siya sa sarili baka kung saan na naman sila humantong ni Rogelio. Takot siyang madikit ang balat niya rito dahil baka hindi na naman siya makapagpigil sa sarili niya at mawala na naman siya sa sarili niya. Bakit pa kasi ito uminom- inom eh, hindi naman nito kayang magmaneho ng lasing.
"Ooops, tigil hanggang dito ka na lang sa teresa, hindi ka na maaaring pumasok sa loob!," sinadya niyang humakbang ng mas malayo kay Rogelio bago siya humarap rito hindi niya pa rin binibitawan ang hawak na balisong sa isang kamay kahit mahigpit pa ang hawak niya sa tuwalya sa kanyang dibdib.
"Sobra ka naman Regina, baka papakin ako ng lamok rito, ang init init kaya rito!," angal pa nito na nagtanggal na ng suot nitong jacket.
"Ano Regina ka diyan! Mam Regina, kaibigan ko lang ang puwedeng tumawag sa first name ko!," supalpal niya dahil wala na talaga siyang masasabi pa rito dahil para na talaga siyang matutunaw sa panunuri nito sa kanya mula sa mukha niya pababa sa buo niyang katawan.
"Bakit guro ka ba para tawagin kitang mam? hindi pa ba tayo magka-ibig-- an? eh, may mainit na eksena na nga tayong pinagsaluhan!," nanunuya nitong ganti na halos bumara ang kanyang lalamunan sa kaprangkahan nito.
"Ah... basta diyan ka lang, dadalhan na lang kita ng unan at kumot rito, may duyan naman diyan sa ibabaw, sisindihan na lamang kita ng katol hah!," mabilis siyang tumalikod para buksan ang pinto sa loob ng bahay ng inisang kabig siya sa ere ni Rogelio na kanyang ikinasinghap.
"Ano ba Rogelio, bitawan mo nga ako!," mahina niyang tili dahil medyo nakaawang na ang pinto at baka maggising si Thea at maabutan sila ni Rogelio sa ganoong sitwasyon.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo ako papatulugin diyan sa loob ng bahay mo!," wais na sabi ni Rogelio na hindi pa rin siya ibinababa, mabuti na lang ay nakatalikod siya rito pagkabig nito sa kanya kung hindi ay makikita nito ang pamumula ng kanyang mukha.
"Oo na... oo na... bitaw na!!!," gigil niyang turan.
Madali naman kausap si Rogelio dahil dahan- dahan siyang ibinaba nito kaya't humakbang na siya papasok sa loob ng munti niyang bahay. Inuwestra niya sa munting sofa bed si Rogelio na doon humiga.
"Dito ka na pumuwesto. Kukuha lang ako ng unan at kumot sa loob!," saad niyang hindi pa rin humaharap dito.
"Awww...eyyy!!!," mabilis ang pangyayari at nasumpungan na lang niya ang kanyang sariling hubo't hubad na dahil malakas na nahila ni Rogelio ang nakapilupot na tuwalya sa kanyang katawan.
"What a hot and sexy body you've got Regina!," ang mga mata nito'y punong- puno ng admirasyon sa kanyang katawang nakalahad sa harapan nito.
Imbes sana pagtakpan ang kanyang kahubdan ay nagulat na lang siyang hinila siya ni Rogelio pahiga sa sofa bed kaya tuloy ang ending ay nasa ibabaw na siya ni Rogelio at walang ano- ano ay kinulong siya ng mga bisig nito kaya't hindi na siya makaalis pa.
"Ahhh... tastes so sweet!!!," agad nitong sinunggaban ang labi niya habang ang dalawang binti nito ay inipit ang kanyang balakang upang hindi na nga talaga siya makawala upang ang dalawang kamay nito ay malayang malakbay na sa kanyang katawang nagsisimula ng manginit sa kakaibang sensayong pinapadama sa kanya ni Rogelio.
Unti- unti na siyang ginugupo ng pangangailangan ng kanyang katawang lupa. Sa bawat pisil ni Rogelio sa kanyang boobies ay siyang lapa rin ng masidhi nito sa kanyang labing pilit niya pa ring tinitikom. Kasi sa oras na ibuka niya ito ay talagang bibigay na siya sa kapusukang idinulot ni Rogelio sa kanya.
"Dammit, open it, Regina!!!," dagling angal nito at kinagat kagat ng may halong sarap at sakit ang ibabang labi niya.
"Uhmnnn, aray!!!!," napangiwi siya ng biglang kinorot ni Rogelio ang pisngi ng pang-upo niya kaya't madaling naipasok ni Rogelio ang dila nito sa loob ng bibig niya.
Hindi na nga siya nakapagtimpi pa at sinuklian na rin ang matinding paghalik sa kanya ni Rogelio. Nagpalitan sila ng nakakaliyong pagdama ng kanilang mga labi. Walang gustong tumigil. Walang gustong magpatalo sa pag-ispadahan ng kanilang mga dila.
Napakaeksperto ng dila nitong sumasalakay sa kalooban ng kanyang bibig habang nagsisimula ng bumaba ang haplos ni Rogelio sa kanyang gitnang katawan. Ngunit ng malapit na nitong matumbok ang kanyang p***y ay bigla siyang natauhan ng may hikbi ng bata siyang naulinigan.
"Moo...my naah....where you?," parang kidlat siyang napabangon at kinuha ang tuwalyang nahulog sa sahig at nagtatakbong pumasok sa loob ng maliit nilang silid ng anak; hindi niya binalingan pa si Rogelio.
Pagkapasok niya sa loob ng silid ay dali- dali niyang inilock ang pinto. Mabilis siyang dumalo sa umiiyak na anak. Naghahanap na ito ng dede nito. Oras na kasi ng pagdede nito. Agad naman niyang kinuha ang dede sa taas ng orocan cabinet na binalot niya pa ng lampin upang hindi mawala ang init nito.
"Shhhh... sleep back, baby, I am here...," agad niya ring inilagay sa bibig ng anak ang dede at bumalik rin agad ito sa pagtulog habang dumedede.
"Thanks my--- na!," napangiti siya ng bahagya ng magsalita ang anak bago tuluyang nakatulog.
"Haist... Rogelio, ano ba itong ginagawa mo sa akin, buti na lang talagang naggising si Thea kung hindi... haist!," wika niya sa sarili habang iniyakap ang anak sa kanya.