RWMR 9- PAGOD AT LASING

2632 Words
Regina POV "Papa God, thank you for my-- na online bis--nis bili siya milk sa kin... love love ko my-- na... please Papa God keep us safe always safe and sound and sana hanap na my--- na true love at sa--na si ti--to Lio na," usal na panalangin ng anak niya ngunit sa pagbanggit ng pangalan ni Rogelio ay napadilat siya ng mga mata at tumingin sa anak na mataimtim na nakaluhod sa ibabaw ng kama habang ang dalawang palad nito ay magkalapat na nanalangin. "Amen.," pagtatapos niya sa dasal ni Thea baka kasi kung ano ano pa ang hilingin ng anak niya sa Diyos at baka pagbigyan pa ito ni Lord. "Finish your milk, baby before sleeping!," paalala niya sa anak na ngayon ay humiga na sa kanilang double size airbed. "Opo mommy ganda!," nakangiti nitong pagsang- ayon sa kanya at panaka- nakang humikab na. "Whoah, sure? Asan na ang my--- na bat ganda na?," lumapit siya sa anak at nakipag- ilong ilong dito saka hinagkan ito sa noo at pinisil- pisil ng marahan ang magkabilaan nitong chubby cheeks. "Ganda mo daw kasi mommy sabi sa akin ti--to Lio!," ungot pa nito sa kanya. "Weeh, eh di nga!? Kailan niya sinabi sa iyo na maganda ako? Baka gumagawa ka lang ng kuwento Theabelle, hmp... bad ang magsinungaling!," turan niya sa anak. "Nope, my---na! Sabi ako totoo. He told me you are beautiful.... when he gave this labubu to me. Gusto ko siya for you my-- na, kapag ligaw siya sa iyo, say yes agad ha?!," sunod- sunod na sabi ng anak na ikinawindang ng isipan niya. Sa murang isipan nito ay marunong na itong magmatch- making at siya pa talaga ang pinagtripan ng anak, "Where did you get that idea? Bakit gusto mo siya para sa akin, hah?!. "O--po, bagay kayo atsaka if love love na kayo dami pa siya give sa akin toys, oh! Mahal labubu my---na if kayo na, he will give me more..hehe," napapailing at napataas kilay siya sa pinagsasabi ng anak. "Theabelle, saan mo kaya natutunan iyang pinagsasabi mo, hindi ganun ang love... kusang dumarating ang pag- ibig anak hindi nakukuha sa mga regalo- regalo, okay?! Stop na and go to sleep okay?," inayos niya na ang pagkahiga ng anak at kinumutan ito at hindi na pinagbigyan ang anak na makapagsalita pa. Ramdam siguro ni Thea na hindi na siya natutuwa sa sinasabi nito kaya tuluyan na itong pumikit at agad ring nakatulog. Napabuntong- hininga na lang talaga siya sa kadaldalan ng anak. Nang pakiramdam niya na mahimbing na ang tulog ng anak ay dahan- dahan siyang bumangon sa kama at nag-unat unat ng katawan. Pasado alas otso pa lang ng gabi. Matapos kasi siyang magluto ng pagkain para sa hapunan ng anak ay pinakain niya na ito agad. Pinapahinga niya lang ng konti ang anak habang abala siya sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan. Siya rin naman ay kumain na rin. Ganito gabi- gabi ang madalas niyang kaugaliang ginagawa. Inuuna niya munang asikasuhin ang pangangailangan ng anak bago ang sarili at ang kanyang online bisnis kahit nga sa umaga ay nauuna muna siyang gumising ng alas singko ng umaga upang magluto ng agahan nila at maglaba ng mga marurumi nilang damit ng anak. Babalik na lang siya ng tulog kapag natapos niya na ang lahat ng gawain niya sa bahay at kapag tulog pa rin si Thea. Isang yakap lang nito sa kanya ay tanggal lahat ng pagod at sakit ng katawan niya. Mahirap maging isang solo parent at single mommy. Lahat ng galaw at sayaw sa labas at loob ng pamamahay nila ay siya lang ang nagpapatakbo at wala siyang katuwang sa buhay. Mahirap man pero kinakaya niya dahil kay Thea na nangangailangan higit ng kanyang kalinga at pagmamahal. Hindi niya gustong matulad si Thea sa kanya na nag-iisa na lamang sa buhay at wala ng maasahan pa na pamilya. Matagal na siyang kinalimutan ng kanyang sariling ama dahil sa madrasta niyang bruha at anak nitong demonyita. Hindi niya ipaparanas kay Thea ang napagdaanan niya sa mga taong walang puso. Kahit mag-isa lang siyang tumayaguyod sa kanilang mag-ina ay buo ang loob niyang malalagpasan din nila mag-ina ang mga pagsubok at hamon ng buhay. Basta't kapiling niya ang anak ay makakaya niya ang lahat. Walang imposible sa isang inang nangangarap at patuloy na nagsusumikap na maitaguyod ang araw araw na buhay na may positibong pananaw sa lahat ng mga bagay bagay. Pero bigla siyang napa-isip sa sinabi ng anak niya na gusto nitong maging nobyo o asawa niya si Rogelio. Napakabata pa ni Thea upang maisipan ang ganoong bagay. Subalit napalaki niya pala ang anak sa realidad ng buhay. Marahil na rin siguro sa impluwensiya ng social media sa anak kaya't marami na itong nalalaman. Ang hindi alam ni Thea ay lumagpas na sila ni Rogelio sa ginagawa ng magkasintahan o magkarelasyon. Sa unang pagkakilala palang nila ni Rogelio ay mainit na ang tagpong nangyari sa kanila. Inaamin niya sa sarili na malakas ang atraksyong namuo sa pagitan nila ni Rogelio. Dama niya ang malakas na pintig ng puso at pagtahip ng dibdib ng bawat isa nila ni Rogelio ng maglapat ang kanilang balat. There was electrying fire between the two of them the moment there skin collided at hindi niya maaaring edeny iyon sa kanyang sarili. Muntik na siyang bumigay sa init na bumalot sa kanyang sistema na buti na lang ay agad din na inapula ni Rogelio. He was a handsome temptress. Alam niyang tinukso lamang siya nito at kumagat naman din siya agad. Imbes na magalit kay Rogelio sa kapangahasan nito sa kanya ay mas kinagalitan niya ang kanyang sarili sa pagiging mahina at agad na nagpaalipin sa tukso. Mabuti na lang talaga at kusa itong tumigil kung hindi ay mauuwi sila sa one night stand. Kinalimutan niya na ang pakiramdam na makamtan ang luwalhati ng pagniniig simula ng magkaroon siya ng anak. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na maraming naghahangad sa kanya. Marami nga siyang indecent proposals na natatanggap. Iyon bang deretso alok na lang na ikama siya. Siguro sa tingin ng mga lalake ay marumi na siya at napagsawaan na at lalong -lalo na at may anak na siya. Hindi ba deserve ng isang tulad niya na bigyan ng respeto at dignidad? Kung makaasta kasi ang karamihan sa mga lalake ay tila isa siyang pakawala na papatol na lang kung kani- kanino. Mababa ang tingin ng karamihang tao sa mga single mothers. Kaya proud siya sa sarili na napanindigan niyang ibahin ang paningin ng mga tao sa mga kagaya niya. Isa na roon si Madam Ara na kulang na lang ipagduldulan siya sa mga parokyano nitong customers sa maliit nitong club. Tumikhim siya ng malalim at isinantabi muna ang malalim na pag-iisip sa mga bagay bagay. Simpleng panalangin at kahilingan lang ni Thea ngunit saan saan na nakakarating ang kanyang makamunduhang isipan. Kinuha niya ang nakahanger na tuwalya sa likod ng pintuan. Kanina pa siya nangangati at naiinitan sa kanyang suot. Mula ng maihatid siya ni Rogelio mula sa paghahatid ng mga orders sa customers ay hindi pa siya nakakapagpalit ng pangbahay. Nilingon niya muna ang anak bago tuluyang lumabas ng munti nilang silid ng anak. Plano niyang maligo nang sa gayon ay mapreskuhan ang kanyang pagod na katawan. Nakaligtaan niyang kumuha ng pampalit sa orocan drawer nila ng anak. Deretso na siya sa maliit nilang banyo at palikuran na pinag-isa. Sementado naman ito ngunit hindi niya napatiles ang dingding pero ang sahig ay yari sa broken tiles na binigay sa kanya ni Aling Goring. Kahit papaano ay malinis at hindi naman nakakapandiri ang loob ng palikuran at banyo nilang mag-ina. Araw- araw niya rin naman nililinisan at sinisuguro na mabango ang magagamit nilang mag-ina. Hindi naman problema ang tubig dahil nagpakabakit talaga siya ng sarili niyang kwentador ng gripo. Minumum lang ang binabayaran niya buwan buwan dahil tipid naman din silang mag-ina sa tubig. Naghubad na siya ng damit at nagsimula ng basain ang katawan.Gumamit lamang siya ng tabo ng mapuno na ng tubig ang laman ng balde. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig na tumatama sa kanyang balat. "Uhmnn...whoaah, ang sarap talaga ng malamig na tubig, woooh!!," maliksi niyang hiyaw habang sunod sunod na pagbuhos niya ng tubig sa kanyang katawan. Rodge Winter POV "SKY IS THE LIMIT!," turan niya sa mga tauhan niyang riders. Gabi na at papasara na ng tanggapan ng W&H delivery services ng dumating siya. Nauna ng nakauwi ang nag-iisang babaeng empleyada niya. Bagong panganak kasi ito at nagpapadede pa ng dalawang buwan nito baby. "Anong mayroon bossing at bakit nagpapainum ka?," usisa naman ni Dex isa sa mga riders niya. Lima ang delivery riders niya dito sa Bulacan branch. Sa dami ng delivery services niya sa iba't ibang panig ng Pilipinas ay mas trip niyang tumambay dito. Iyon pala ay dito sa lungsod na ito niya mahahanap ang babaeng makakapagtuliro sa kanyang pag-iisip at the same time makapagpapaexcite sa kanyang buhay pag-ibig. Not that he did not find those women he bedded before unexciting and unattractive. Sa sobrang wild ng mga babae na nakakama niya ay tila hinihigop lahat ng lakas niya. Those women were there to pleasure him not the other way around. But with Regina's case ay kabaligtaran. Gusto niya itong paligayahin, simutin at palasapin kung paano namnamin ang sarap ng bawat sandaling makasalo ito. Gusto niya itong maligo ng sariling katas nito. He wanted Regina to reach her extreme orgasm at the same time pin her to bed for endless times. In short gusto niya siya ang magmaneho at hayaan siya ni Regina na paluguran at sambahin ito. Just merely thinking about it makes his groin aches. Halos ilang buwan na rin nga siyang tigang magmula ng mabihag ni Regina ang kanyang atensiyon. Hindi na siya tumikim at kumuha ng babaeng magpapainit ng kanyang gabi dahil sa isipan palang niya si Regina ay quotang- quota na siya. He felt serene contentedness and well-sated just merely dreaming Regina every night. Natatawa nga siya sa sarili dahil nakakayanan niya ang ganoon na magsarili at labasan agad- agad sa tuwinang nagdedeliryo ang makamunduhang pag-iisip niya kay Regina, ang babaeng sa hinigap ay hindi niya maiisip na magugustuhan niya. "Ah alam ko na boss, siguro malaking kita ng W&H ngayong buwan kaya ang saya- saya ng awra n'yo ngayon!," tugon naman ni Lester ang bata sa mga riders. "Hmp... nope....," natatawang iiling- iling niya. "Eh, ano boss?!," agad naman na tanong ni Lester. "Haist, ... eh, ano ka ba naman Lester, ang totoy mo nga talaga, siyempre magpapainum si boss dahil sa babae... chikababes, ganern!!! Di ba boss?," agap na tanong ni Joel na kakarating lang at may bitbit ng inihaw na isda at barbecue na pinabili niya rito. Napapailing at napapatawa na lang talaga siya sa kadaldalan at kaprangkahan magsalita ng mga riders niya. Madalas kasing tahimik lamang ito sa oras ng trabaho kung naabutan niya ang mga ito kung magremit na ng mga collection nito sa kanyang tanggapan. "Alright, kayo ba hindi hahanapin sa inyo? Nakapagpaalam na ba kayo sa mga asawa ninyo baka mamaya niyan hindi kayo papatabihin ng mga asawa n'yo paano na si manoy!," naghalgapakan ng tawa ang mga tauhan niya sa binitawan niyang pasaring. "Huwag ka ng mag-alala boss, may lifeline pa kami sa mga misis namin, itong si Lester lang wala pang sabit, ang nanay lang nito ang magpuputak sa kanya," nagngisihan na naman muli sila. Palitan sila ng tawa at biruan habang pinaikot ang pag- ubos ng tatlong case ng red horse beer. Walang problema sa pulutan dahil bukod sa inihaw at barbecue ay may mga fingers foods din siyang binili. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakipag-inuman sa mga tauhan niya at dahil iyon kay Regina. "Uhmnn... kidding aside, paano ba paamuin ang isang babaeng natitipuhan mo?," he just simply asked and let out a sigh. "Mukhang malalim yata ang pinanghuhugutan mo boss... ahhhmnn... sino bang babae ang nakasungkit ng puso ng isang hunky lowkey billionaire, Rogde Winter?," usisa ni Lyndon ang matagal na niyang rider at nakapalagayan niya ng loob. "Oo nga para matulungan ka namin!," ganti naman ni Lester. "Hoy, Lester maghanap ka muna ng babaeng papatol sa iyo bago ka makapagbigay suhestiyon diyan sa bossing natin!," awat naman ni Joel. Hindi naman nakaimik ang kawawang Lester na nasa tingin niya ay nasa early twentys pa lang. Lumagok na lang ito ng alak sa bote at pinagtuunanang papakin ang mga nakalatag na finger foods. "Ahmnnn... Les, okay lang iyan makakahanap ka rin ng babae huwag ka kasing choosy, hindi ba boss?," saad pa ni Dex na bumaling sa kanya. "I met this woman and suddenly I felt fire in me, she is the one who complained about her lost parcel last week," panimula niya pa sa wikang ingles dahil mas kampanti siyang mailalabas niya ang kanyang damdamin. "Ahhhhh... ang hot single mom at online seller na si Regina!," halos sabay sabay ng mga riders na sabat. "Why did you knew her?," takang tanong niya. "Siyempre naman boss, ang hot at sexy kaya nun at sino ba naman kami na hindi makakilala sa babaeng iyon, eh halos linggo linggo may mga parcels iyon!," saad pa ni Joel. "Ganoon talaga kasi online seller nga eh! Pero... bossing dalagang ina iyon eh! Type mo pala ang hindi na virgin?," deretsang tanong sa kanya ni Lester. "Ano ka ba naman Les, basta pag-ibig na ang tumama sa iyo mabubulagan ka talaga. Sabagay kahit may anak na si Regina parang dalaga pa rin sa lakas ng s*x appeal, hanep, bossing, mukhang tinamaan ka yata kay madam hot mama?," hiyaw pa ni Joel matapos tunggain ang bote ng alak. Naghiyawan at panay tukso ng mga riders niya sa kanya. Siya naman ay hindi maawat ang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Kay sarap sa pakiramdam na finally na may napag-aaminan na siya ng totoo niyang saloobin. "Yes... yes..but how do I woo her and be her mine?," maang niyang sabi sa kanila. "Hala si boss Rodge, anong nangyari umuurong ba ang pagkalalake mo sa hot at sexy na si Regina, sayang ang bilyones mo bossing kung hindi mo makukuha ng agaran iyang kinababaliwan mo ngayon!?," mahabang komento pa ni Dex sa kanya. "Baliw! Si boss Rogde, eh, tiyak kong matinik pa iyan sa atin sa mga babae, eh, wala nga tayo sa kalingkingan ng pagkamacho gwapito nito, eh!," pambobola pa ni Lyndon na may paakbay- akbay pa sa kanya medyo marami- rami na rin itong nainum kumpara sa kanila. "Boss Rogde! Ano ho ba ang problema bakit nahihirapan kang suyuin si Regina na sayo na nga ang lahat?," usisa naman ni Lester. "I hid my true identity to her, you see I pretended as Rogelio and I am just one of you...a delivery rider!," anas niya. "Eh hayan naman pala ang problema boss, magpakatotoo ka na sa kanya boss!," ganti naman ni Dex. "Based from my investigations about her. She don't like rich guys!," dagdag niya pa. "Ah kaya naman pala. Mukhang tinamaan nga talaga ang bossing natin may paimbestiga pa talagang ginawa. Boss, ang masasabi ko lang ipagpatuloy mo na lang iyang sinimulan mo. Hindi ba ka-riders no pain, no gain... heheh.. kampay!," hiyaw naman ni Lyndon na tumayo pa at nakipagcheers sa kanila. Wala nga siyang nakuhang matinong tips sa mga riders niyang sunog baga pala kung makatagay ng alak. Pero may punto naman si Lyndon na kailangan niyang paghirapan pa ang nasimulan niya hindi dahil panigurado siyang mapapasakanya rin si Regina. Pati siya ay napasubo na rin sa inuman. Hindi pa naman ganoon kalakas ang alcohol tolerance niya. Paniguradong parehas ng mga riders niya ay uuwi din siyang lasing nito. Naisip niya kung saan kaya siya magpapahatid sa mga ito gayong malayo- layo pa ang kanyang lalakbayin pauwi ng kanyang condo sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD