REGINA POV Nagtaka na lang si Regina ng dali- dali na lang nagpaalam si Rogelio sa kanya dahil marami pa daw itong ihahatid na parcels. Pagkatapos niyang makapamili ng mga premyo ng sinabi ng sales lady na isa siya sa mga lucky winners ay inalalayan na siya ng isang guwardiya palabas ng nasabing mall at pinasakay ng tricycle pauwi sa kanila. Hindi siya magkauga- uga sa pagbitbit ng mga paper bags pagbaba niya sa tricycle. Mabuti na lang ay napakiusapan niya ang mamang driver na tulungan siyang ipasok ang mga paper bags sa balkonahe ng munti niyang bahay. Hindi naman nakalock ang kahoy na gate kaya’t nakapasok siya kaagad. Nang mailapag na lahat ng paper bags ng mamang drayber ay saka naman bumukas ang pinto ng munting bahay niya. “Oh hija, ang aga mo yata, asan na ba si sir… ah este si

