REGINA POV Kanina pa siyang walang kahirap- hirap na pumupili at bumibili ng mga orders ng mga customers niya sa malaking wholesale store dito sa bayan habang ang isa naman sa likuran niya ay hindi na magkamayaw sa pagbitbit ng mga napamili niya na. Wala naman itong reklamo at lage lamang nakabuntot sa kanya. Kung lilingunin niya naman ay malapad naman itong nakangiti sa kanya at paminsan- minsan nga ay kumikindat- kindat pa sa kanya na tila nagpapacute pa. Naiinis nga siya sa mga tinderang nadaraanan nila dahil panay sulyap ng mga ito kay Rogelio. Tila mga uhaw na uhaw na mga buwaya na gustong lapain na ang machong lalakeng kasama niya. At ito naman si Rogelio ay mas lalong nagpapagood shots sa mga malalanding tindera dahil sa hindi mapalis ang ngiti nito sa labi. Tuloy akala ng mga

