Chapter 13 "TUMINGIN ka sa akin," iyon ang utos na nagpaangat sa mukha ni Helena na kanina pa nakatago matapos niyang pindutin ang buton ng elevator. Tumingin naman siya rito. “Where do you exactly live?” “Sa ninang ko po. B-Bakit po?” Napakurap na tanong ng dalaga. Halos hindi siya rito makatingin nang diretso. Mabuti nga ay hindi na sila nagkita pa ng ama nito kanina, kung hindi ay wala siyang mukhang ihaharap sa matanda matapos no’n na marinig ang nangyari sa loob ng opisina ni Juan Miguel. “Is there a way where I can move you to one of my condos, so everytime I need you, I can just come for a visit?” Diretso ang tingin na tanong nito sa kanya. “M-Magtataka po siya. Sabihan niyo na lang po ako at darating ako. Huwag lang pong gabi.” Tila nalaglag ang panga nito pero bumukas na a

