***Tala POV*** MALAKAS ang kabog ng dibdib ko habang kasalo namin ni Garett ang papa nya sa mahaba at eleganteng dining table. Nakakaintimidate ang hitsura ng papa nya. Kahit matanda na ito ay gwapo pa rin gaya ni Garett. Magkahawig nga sila eh. Matangkad ang kanyang papa at matikas pa. Yun nga lang ay mukhang masungit. Tipid lang syang ngumingiti sa akin. "Bueno iha, ilang taon ka na? You look young." Tanong ni Tito Albert. Lumingon muna ako kay Garett na nasa tabi ko bago tumikhim at ngumiti sa ama nya. "20 years old po, tito." Sagot ko. Tila muntik ng masamid si Tito Albert sa sagot ko. Dinampot nya ang napkin at idinampi-dampi sa kanyang bibig. "You're 20 years old? Seriously?" Tila hindi makapaniwalang tanong nya. "Opo, tito. Pero mag tu-twenty one na rin po ako sa Decemb

