Chapter 15 - Throwing Rocks

1208 Words
“Tan, paabot nga ako nung martilyo. Hindi pa pala natin nasasabit ‘yung tarpaulin.” Itinuro ni Nicollo ang daliri sa silya at agad-agad naman tumalima sa utos niya ang nakababatang kapatid na si Nathan. “Naayos na ba ‘yung kwarto para kina Nicnic?” “Oo. Napalipat na rin don ‘yung crib pansamantala.” Akma pa sana na hahakbang palapit ang kapatid upang tulungan siya sa pagkakabit nang tumunog ang telepono nito. Bakas ang inis sa mukha nito habang bumubunot mula sa bulsa. "I clearly told everyone not to disturb me today." "Answer it. You're running a business. Walang day off sa ganon," may himig ng pang-aasar na bulalas ng binata at nagpatuloy sa pagkakabit ng tarp. "Mukhang ikaw ang walang day off. It's Gale." Kaagad siyang napahinto sa sinabi ng kapatid. Nang tingnan niya ang cellphone screen na iwinagayway nito sa kanyang harapan, malinaw na naka-flash doon ang ngalan ng kaibigan. But why would Gale call Nathan? Sa pagkakaalam niya'y hindi naman close ang dalawa. Hindi nga rin niya akalain na may numero sila ng isa't isa. "Hello?" Tuluyan na sinagot ng kapatid ang tawag habang nakatingin sa kanya. "Oh, si Nicollo ba? Oo, kasama ko siya. You want to talk to him?" Hindi na hinintay pa ni Nicollo ang senyas ni Nathan. Bumaba na siya ng hagdan kung saan siya nakatungtong kanina at inilapag sa silya ang hawak na martilyo. Matapos noo'y inabot sa kanya nito ang telepono. "Gale, what's up? My problema ba?" "Kanina pa kita kinokontak. Bakit ba out of reach ka?" May himig ng pag-aalala ang boses ni Gale. Malayo sa tipikal nitong mapang-asar at kalmado na pananalita. "Hey, calm down." Sinubukan niya na huwag pangunahan ito. "Nasa bahay kasi ako ng parents ko. We're preparing for a welcome party. Ngayon kasi ang uwi ni Nicoleen at ng baby niya from the hospital." "Yes, I know. Nabanggit din ni Jasmine sa'kin 'yan nung tumawag ako sa kanya." Huminga ng malalim ang dilag at ilang saglit na nanahimik ang kabilang linya. "Actually, hindi ko nga alam kung dapat ko ba na sabihin sa'yo 'to. Pero kasi, it's about Roshane." Pangalan pa lamang ng dalaga ay tila nagising na ang kanyang diwa. Ito'y sa kabila ng ng katotohanan na wala pa siyang tulog mula paghihintay sa ospital hanggang sa pagtulong ngayon sa paghahanda. Now that he thought about it, Gale never calls for trivial matters. In fact, this woman hates working on holidays. "What about her?" "Hindi ko sigurado kung natanggal na ng back-end, pero dapat mong makita ang nasa employee bulletin. The investors in our upcoming platform are outraged because of that." "What do you mean? We're almost done sa pre-planning stages and they liked it." Hindi naiwasan ni Nicollo ang pagtaas ng kanyang tinig. Ilang linggo rin kasi siya na walang ayos na tulog dahil sa presentation na 'yon. "Anong walang katuturang chismis na naman ang pinaniniwalaan nila…." "You are partly responsible for it, too. Kaya huwag ka na magmaktol d'yan at tignan mo na ang bulletin." Naging mas mariin ang pananalita ni Gale. "She can be hurt by this. As in badly hurt if you don't intervene. So please, bilang concern sa inyong dalawa, do something." He didn’t need to hear anything else. Sapat na ang mga katagang iyon para matimbang ng binata kung gaano katindi ang sitwasyon na tinutukoy nito. Walang anu-ano’y ibinalik niya ang telepono kay Nathan at nag-martsa papunta sa sala. Dinampot niya ang susi ng sasakyan mula sa coffee table at ang dala-dalang bag. Nang mamataan niya na nakasunod sa kanyang likuran ang kapatid, saglit siya na huminto at tuluyan itong nilingon. “Ikaw na muna ang bahala rito, Tan.” Tinapik niya ang balikat ni Nathan. “Kapag nagtanong si Papa, just tell him something came up.Babawi ako kay Nic in some other way.” “Okay. I’ll tell him. Drive safe.” “Thanks.” Sa loob ng sasakyan lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang kanyang telepono. Pinatay niya kasi ito matapos sabihin sa kanyang sekretarya na magiging abala sila ngayong weekend at hindi siya tatanggap ng anumang tawag o biglaang appointment. Hindi pa lumilipas ang limang segundo ay sunod-sunod na ang tunog na nanggaling dito. From there, he knew it was odd. Tulad ng sinabi ni Gale, napuno ang kanyang mailbox ng notifications mula sa employee bulletin. Ito ang portal kung saan malaya na nakakapagbigay ng komento at suhestiyon ang mga tao sa kompanya. No matter how high or low the positions they have. “What the heck is happening?” Hindi niya napigilan na maibulalas habang iniisa-isa ang mga ito. Mapalitan lamang ng pagka-bigla ang kanyang inis nang tuluyan na mamataan ang post na tinutukoy ng kaibigan. Tila binuhusan siya ng mainit na tubig sa litrato na naroon. It was a series of photos with Cailen of E&A and Roshane. Kung tama ang pagkakaalala nila, ito ang kaparehong gabi kung saan nakita niya ang dalawa sa isang coffee shop malapit sa kanyang tinutuluyan. Naroon din ang litrato nila na magkasama sa hallway ng ospital. It’s obvious that it was taken kani-kanina lang. “Hitting two birds with one stone,” basa ni Nicollo sa titulo ng bulletin. Dahil dito ay mas nasidlan siya ng galit. Hinampas niya ang kamay sa manibela at halos napamura. “Who the fck posted this nonsense?” Patuloy sa pagtunog ang kanyang telepono. Karamihan sa mga mensahe ay mula sa mga investors na hinihingi ang kanyang paliwanag. Hindi na siya nagtaka. Most of these people are old and values personal relation when doing business. Normal na umakto sila ng ganito. When Gale said Roshane could be in trouble, it wasn’t a lightu warning. Maaaring makansela ang pinaghirapan nitong proyekto at mawalan ng kumpiyansa ang board sa kanya. Nagsimula siyang magmaneho at pinindot ang telepono mula sa dashboard. Hindi nasagot ang dating kasintahan kaya naman mas lalo siyang nabahala. “Hello?” tinig iyon ni Paix mula sa kabilang linya. “Paix, nandyan pa ba si Roshane?” “Ah, kakaalis niya lang. Sabi niya medyo sumama ang pakiramdam niya.” “Ilang minuto na mula nung umalis siya d’yan?” Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. “About fifteen minutes?” “Damn it,” mahinang bulalas niya habang ang mga mata’y nakatuon pa rin sa kalsada. “Thanks, Paix.” Hindi inabot ng trenta minutos ay natanaw na niya ang building ng hospital. Pipihhit na sana siya pakaliwa upang tahakin ang direksyon papasok ng parking lot nang mamataan niya ang isang pamilyar na pigura. It was her. Walking in her heels with a blank expression on her face. Kaagad niyang itinabi sa isang gilid ang kotse at nagmamadali na bumaba mula rito. Sa kabila ng kanyang mabilis na paglapit, nanatili na walang reaksyon si Roshane. “Are you okay?” He knows she’s not, but what else can he say? Tuluyan na umangat ng tingin sa kanya ang dalaga. Ang buong akala niya ay magsasalita ito ngunit tumulo lamang ang mga luha sa magkabilang mga mata nito. Seeing her like that automatically broke every resolution and determination in him. He pulled her inside a tight hug, secretly hoping that his warm consolation could ease even just a tiny bit of her pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD