Chapter 14 - Dreams You Can Never Forget

2042 Words
Puno ng tensyon ang pasilyo ng ospital sa gitna ng paghihintay ng pamilya Baltazar. Habang ang dalagang si Roshane naman ay nakatayo sa isang gilid hindi nalalayo sa ninenerbiyos na si Nicollo. Hindi niya maiwasan na makaramdam din ng kaba. Halos isang oras na kasi mula ng dumating sila at hindi pa nalabas mula sa delivery room ang doktor na nagpapa-anak sa kaibigan. Nasa loob din ang asawa nitong si Paix kaya naman lahat sila ay alang-alala kay Nicoleen. “Hija, hindi na kita nabati.” Ang naka-ngiting mukha ni Harry ang sumalubong sa dalaga nang umangat siya ng tingin. Tinapik nito ang balikat niya saka saglit na binalingan ng tingin ang panganay na anak. “Magkasama kayong pumunta ni Nico rito?” “A-Ah, yes po pero…” “She was visiting Nathan and Leontine when we got your call. Nagkataon lang na nandoon dito ako noong mga oras na yon.” Mabilis pa sa alas kwatro na paliwanag ng dating kasintahan sa ama. “Coincidentally, binibisita ko rin si Louvelle.” Hindi kaagad sumagot si Harry. Sa halip, mas lumapad lamang ang ngiti nito habang tumatango-tango. Roshane couldn’t help but feel a bit uncomfy with the situation. Bakit nga ba siya sumama? Well, she was worried for her friend. Walang anumang hiya ang makakapigil sa kanya upang alamin ang lagay nito. “Thank you for coming here, hija. Sigurado akong matutuwa si Coleen kapag nalaman niya na pupunta ka rito.” “It’s been an hour,” sabad ni Nathan. Halata na rin sa wangis nito ang pag-aalala sa kapatid. “Hindi pa ba nalabas ang doktor?” “Hindi pa. Pero hindi naman maselan ang lagay niya kaya sabi ng doktor ay wala tayong dapat ipag-alala.” Kasunod ng mga katagang iyon ang pagbukas ng pintuan at paglabas ng isang doktor na naka-surgical down. Naka-mask man, bakas sa mga mata nito ang galak kaya naman doon pa lamang ay tila nabunutan na ng tinik ang lahat. “Both of them are safe,” bungad nito sa kanila. “Ililipat na namin sa room ang mother after the stitches, and we’re preparing to take the baby boy sa nursery. Pwede ninyo na po sila makita in an hour or two. The staff will inform you.” “Maraming salamat, doc. Salamat.” Napasapo sa dibdib si Harry bunga ng narinig. Ngiti lamang ang itinugon ng doktor bago muling pumasok sa loob. “Salamat sa Diyos. Salamat.” Ilang sandali pa ang lumipas, lumabas na rin mula sa pintuan si Paix. Sinalubong ito ng yakap mula kina Harry, Nicollo, at Nathan. Bakas sa wangis nito ang magkahalong saya at kaluwagan ng loob. Nang bumaling ang tingin nito sa kanya ay kaagad itong humakbang papalapit sa kanya at umakap. “Congrats, Paix. You’re officially a Dad now.” “Thank you, Shane. Matutuwa si Nicoleen kapag nakita ka pag gising niya. Pinipilit niya kasi sa’kin na ikaw ang pinaglilihian niya dahil bukambibig ka niya mula noong umuwi ka sa Pinas.” “Si Nic talaga,” umiiling-iling na bulalas niya matapos nila magkalas. “Ibig sabihin ba niyan hindi na ko makakatakas sa pagiging ninang? Parang kay Louvelle lang din?” “Of course, hija. Sigurado akong hindi palalagpasin ng unica hija ko na maging magkumare kayo.” Nagbuntong-hininga si Harry. “That way, you can always be part of the family.” May ibang himig ang mga kataga na iyon. Hindi lang para sa kanya, kung hindi para na rin sa anak nito na si Nicollo. Batid niya na nauubos na ang pasensya ng binata sa ginagawang pagpapahiwatig ng ama ukol sa estado ng kanilang relasyon, kaya naman pinili niya na ngitian na lamang ito. Makalipas dalawa pang oras, pinayagan na sila na mabisita si Nicoleen sa kwarto nito at masulyapan ang bagong silang nito na supling. Nauna si Paix, Nathan, at Harry pumunta sa silid, habang sila naman ni Nicollo ang naiwan at nagpasya na silipin ang sanggol. Habang naglalakad sila patungo sa nursery, lihim na kinakastigo ni Roshane ang sarili. Wala kasi siyang ideya kung paano sila naiwang dalawa. The next thing she knew, the three men insisted that they should see the baby first since Nicoleen may not be awake yet. “Don’t mind Papa,” basag ni Nicollo sa pananahimik niya. “Ever since your presentation, he’s been like that. Natutuwa lang siya na asarin ako.” “Yeah, you look like you’re pissed earlier.” “Ayoko lang na malagay ka sa sitwasyon na hindi ka komportable,” mariin na wika nito at isinilid ang magkabilang mga kamay sa mga bulsa. “After all, I’m the one who messed up. And this is my family you still had to deal with.” Huminto sila sa labas ng nursery room. Mula sa glass window ay natanaw nila ang pamangkin ng binata habang buhat-buhat ng isa sa mga nurse. Awtomatiko na puminta ang ngiti sa mga labi ng dilag nang masilayan ang mamula-mula nitong wangis. “He looks like Nicoleen,” komento ni Nicollo. Hindi rin mawalay ang mga mata nito sa pamangkin at bakas ang galak sa nakitang kalagayan nito. “Yes. Malakas ang dugo ninyo.” Kapwa sila natawa bunga ng kanyang sinabi. Ngunit hindi rin nagtagal iyon sapagkat nabalot muli ng katahimikan ang paligid. Ayaw man aminin ni Roshane, may alala na nagbabalik sa kanya habang nakatayo sila rito at tahimik na pinagmamasdan ang sanggol. “Naaalala mo ba noong pinanganak si Dreame? Yung pamangkin ko?” “Oo naman. Nag-away pa tayo dahil sa traffic sa EDSA. Naiinis ka kasi mali ‘yung pinili kong daanan papunta sa ospital.” Umiiling-iling ito saka hinagod ang mga daliri sa buhok. “But when we arrived and we saw her, nawala lahat ng inis natin.” “Yeah.” Nang lumingon siya sa binata, natagpuan niya ito na nakatitig sa kanya. From there, she knew that they were thinking of the same thing. The promise they made that day. Ngayong wala na sila, mas nararamdaman niya ang bigat nito sa likod ng kanyang isipan. “I guess you still remember it too.” Marahan na tumango si Roshane at ibinalik ang tingin sa sanggol. “How could I forget? That was my dream for so many years.” A family. Isang masaya at malaking pamilya kasama si Nicollo. Iyon ang kanyang pangarap na gumuho lagpas dalawang taon na ang nakakalipas. Pakiramdam niya ay unti-unti na nagbabalik sa kanya ang pakiramdam na ‘yon. All the regrets, what-ifs, and self-loathing feelings. It was all within her. Will she ever have her own family in this lifetime? Or is it too much to ask for considering that she was given the chance and she wasted it? “Gusto kitang makita na masaya.” Ito ang nagpatigil sa pag-iisip ng dilag. Hindi niya tinangka na ibalik ang tingin kay Nicollo. Batid niya na hindi pa rin inaalis nito ang titig sa kanyang direksyon. Kinuyom niya ang mga palad at humugot ng malalim na hininga upang mapanatili ang kanyang postura. “That promise, you can still make it come true. Hindi man kasama ako, pero alam ko na kahit sino pa man ang dumating sa buhay mo, you’ll be a great wife and mother.” Humigpit ang kapit niya sa strap ng kanyang sling bag kasunod ng isang pilit ngunit mapait na ngiti. Sa muling pagtatagpo ng mga mata nila, nababasa niya ang sinseridad sa mukha nito. He really did let her go. There was no doubt about it. May kakaunting kirot sa kanyang dibdib kaya naman lihim niyang kinakastigo ang sarili. What did she expect? He’d tell her he still wants her to be the mother of his children? Siya naman ang nagtulak dito palayo, hindi ba? “You, too. Alam ko, at some point, naging pangarap mo rin ‘yon. You should find your happiness as well.” Nagawa niya na panatilihin sa kanyang mga labi ang ngiti sa kabila ng kakaibang nadarama. Nang madama niya ang panunuyo ng lalamunan at ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata, tinalikuran niya agad ang kaharap upang ikubli ito. “Puntahan ko na si Nicoleen,” wika niya. “Tara, sabay na tayo…” “No, no. Stay there. Dapat sabay-sabay ninyo na makita ang baby. I’ll tell them to go here.” Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dilag at tuluyan na humangos palayo. Mabigat man ang bawat hakbang ay nakarating siya sa pasilyo na pinanggalingan nila kanina. Napahawak siya sa pader upang bawiin ang kanyang balanse at kalmahin ang sarili. Nang makasigurado na hindi siya sinundan ni Nicollo, dito na tumulo ang kanyang mga luha. Pilitin man niya na punasan ang mga ito, patuloy ito sa pag-agos at wala siyang magawa kung hindi akapin ang sarili. Nagpatangay siya sa agos ng nag-uumapaw na emosyon. “Bakit parang namamaga mga mata mo?” untag ni Nicoleen sa kanya. “A-ako? Hindi naman ah?” pinunas niya ang palad sa mata. “Baka inaantok lang ako. Wala pa kasi akong tulog dahil nagmamadali kami na pumunta rito.” Ilang oras na matapos manganak ni Nicoleen. Nagsi-uwian na ang mag-aamang Baltazar at si Paix naman ay lumabas upang bumili ng agahan. Siya ang nagprisinta na magbantay sa kaibigan sapagkat wala naman pasok kinabukasan. “Hindi mo ‘ko maloloko, Shane.” Hinablot nito ang kamay ng dalaga. “Umiyak ka na naman ba?” “Hindi ikaw ang dapat nagaalala sa’kin. Dapat ako ang gumagawa n’yan. Nagugutom ka na ba?” Binawi ni Roshane ang kamay mula rito at bumaling sa prutas na nasa nightstand. “Ipagbabalat kita ng prutas. Anong gusto mo? Apple? Peras?” “Shane.” Saglit siyang napapikit. Sa tono pa lamang ni Nicoleen ay batid niya na hindi niya magagawang magsinungaling dito. This woman and Leontine knew her well. Pero bilang kapatid ito ni Nicollo at matagal na silang magkakilala, kislap pa lamang ng mga mata niya’y nahuhulaan na nito ang ibig sabihin. “Nakwento sa’kin ni Paix kung paano titigan ni Kuya Nico si Nixen.” “Nixen? Is that what you’re naming the baby?” Tumango ito. “Oo. Matagal na namin napag-planuhan iyan ni Paix. Nixen Yara. Pinangalan namin siya sa yumao kong kapatid.” “That’s wonderful, Nic.” “Pero huwag mong ibahin ang usapan,” ngumuso ito at pabiro na pinisil ang kanyang braso. “Nagka-usap na naman ba kayo ni Kuya?” “Wala naman nang bago roon. We’re always like this. Going in circles. Feeling trapped together, feeling sad apart.” “So you’re saying that you’re sad?” “Maybe?” Isinandal niya ang likod sa upuan at tumingala sa puting kisame. “Hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.” “There are no in-betweens in love. Feeling sad means you still have him in there.” Itinuro ni Nicoleen ang kanyang dibdib. “Kahit ilang beses mo na itanggi, hindi mo maloloko ang sarili mo. No matter how many closures you guys have, until you acknowledge his place in your heart, you remain standing in the same spot he left.” “Pero ako ang umalis, Nic. Hindi naman siya. So how can I still acknowledge his place in my heart?” “Ikaw nga ba talaga ang umalis? Because if you ask me, I think you never really left.” Napukaw ang masinsinan na pag-uusap nila nang mag-vibrate sa ibabaw ng mesa ang telepono ni Roshane. Inihilamos niya ang kamay sa mukha bago ito damputin. Hindi pa niya napipindot ang screen ay napakunot na ang kanyang noo bunga ng pagtataka. “Oh, bat ganyan ang mukha mo? Sino ba ‘yang nag-text sa’yo?” usisa ng nakahigang kaibigan. “Hindi ko rin alam pero may nag-add sa’kin sa isang group chat.” “Baka naman spam. Panira ng moment naman,” reklamo nito. “Teka,” pinindot niya ito at bahagyang natigilan sa nakita. “This is….” Halos mabingi ang mga tenga ng dalaga sa lakas ng t***k ng kanyang buso habang nakatitig sa larawan na nasa chatbox. Her other hand reached to cover her mouth. Kung wala lang siya sa harap ni Nicoleen ay napamura na siya. “Bakit namumutla ka? What happened?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD