KABANATA 1
‘’Ahhhh!’’
Isang malakas na sigaw ni Alexa Cuevas ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Napabalikwas ito ng bangon habang habol ang hiningang lumalabas sa kanya. Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib dahil ramdam niya ang matinding kaba nito. Maliwanag sa kanyang silid dahil nasanay na itong matulog na nakabukas ang ilaw.
Sinipat niya ang kabuuan nito tila nababalisa sa kung ano man ang makikita niya. Nang napagtantong walang kakaiba, muli niyang pinikit ang kanyang mga mata at pinalabas ang maluwag na hininga.
Ilang sandali palang, nang nagsimula ulit na manginig ang kanyang katawan. Naramdaman muli ang malamig na hangin na humahaplos sa kanyang balat. Para bang malamig na kamay na gumagapang sa kanyang mga braso papunta sa kanyang batok. "Pakiusap tumahimik ka na," bulong niya. Animo'y nakikiusap ito sa ano mang nilalang sa kanyang silid.
Napasinghap siya nang maramdaman ang malamig na enerhiya na yumakap sa kanya, mula sa kanyang likuran. "J-Jessica pakiusap tama na, p-patawad," muli niyang bulong sa nanginginig na boses.
Mas-humigpit ang pagyakap niyon sa kanya puro lamig lang ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang sumigaw pero pigil ang kanyang hininga kaya walang boses na lumalabas sa kanya. May mga munting hangin na naglalaro sa kanyang tainga, para bang hinihipan nito na mas lalong nabuhay ang labis na takot na pinipigilan niyang lumabas.
"A-Alexa-a..."
Tulayan nang nanigas ang kanyang katawan. Isang malamig na boses ang bumulong sa kanya at tinawag ang kanyang pangalan. Napapitlag siya at dinilat ang mga mata. Hindi siya nagkakamali nandito na si Jessica sinundan siya nito. Hindi ito matatahimik hanggang hindi makamit ang hustisyang gusto niya. Magbabayad na ang dapat magbayad. "Jessica!! pakiusap tigilan muna ako!" sigaw niya sa nanginginig na boses.
Hindi niya inaasahan na biglang gumalaw ang kanyang kama. Umindayog ito nang umindayog, pabilis nang pabilis. Wala siyang naririnig kundi ang pag-ngatngat ng kanyang kama at pag-uga.
Tila ano mang oras bibigay na ito. Hindi niya alam kung saan babaling ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, tatayo ba siya, tatakbo o sisigaw. Kinain na siya ng takot na naramdaman kaya ang tanging niyang nagawa ay sumigaw. "Ahhhh! Ahhhh!" nagtitili siya nang nagtili. Nagtili na walang patid.
Biglang bumakas ang pinto at pumasok ang isang mahigit kwarenta anyos na Ginang si Helen Cuevas, ang kanyang ina. Halatang naguguluhan ito.
"Anak ano bang nanyayari sayo? Nanaginip ka na naman ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Mababakas sa kanyang boses ang pag-alala sa anak.
Tila tumigil ang lahat ng pumasok ang kanyang ina ang malamig na humahaplos sa kanya at ang indayog ng kanyang kama. "M-mama!" agad niyang sabi at niyakap ang ina ng mahigpit.
"Anak tama na, alam ko na naging malungkot ka sa pagkawala ng nagiisang kaibigan mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Makinig ka anak," anas ng kanyang ina sa mahinahon na boses. Kumalas sa pagkakayakap ang kanyang ina. Dama nito ang kanyang panginginig, maging ang kanyang mga tuhod. Tinignan siya nito at hiniwakan ang kanyang mukha. "Kung ano man ang nanyari sa kanya sarili niya iyong desisyon, 'yon 'yung pinili niya."
"M-mama," ang tanging niyang sambit at muling niyakap ang ina.
---
Dalawang araw pa lang si Alexa sa Cebu pero hindi na siya pinatahimik ni Jessica. Sinusundan siya nito kahit saan man siya magpunta. Simulang namatay si Jessica Valdez ang nag-iisa niyang kaibigan napansin ng kanyang ina na isang Elementary Teacher sa Taytay ang kanyang malimit na pagtulala at aligaga.
Napagdesisyon nito na pagkatapos ng kanilang second quarterly exam ay gamitin ang kanyang bakasyon sa Mandaue City, Cebu. Kung saan meron silang bahay bakasyonan ngunit walang pinagbago mas lalo pa siyang ginulo ni Jessica.
Abala si Alexa sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Hindi na kinaya ng konsensya niya. Hindi solusyon ang pagtakas sa problemang hinaharap niya. Mapapansin ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata sanhi na ilang gabing 'di nakatulog. Namumutla ang kanyang mukha at numumuti na rin ang kanyang labi. Hindi alam ng kanyang ina ang kanyang binabalak bagkus wala din itong alam sa mga nanyayari sa kanya. Umalis lang ito para bumili ng kanilang pangangailangan.
Wala siyang sinayang na oras sa pagligpit ng mga gamit at mga kailangan sa biyahe. Lilisanin niya ang Cebu at Babalik siya sa Maynila upang ilantad na ang lahat tungkol sa kanyang nalalaman sa pagkamatay ng kanyang kaibigan. Buo na ang kanyang pasya. Nang matapos ay dali-dali na itong bumaba upang tahakin ang labas.
Parang buhay na patay sa daan si Alexa, tila wala ito sa sarili. lakad lang ito ng lakad. Wala siyang pakialam kung ano man ang kanyang hitsura, ang magulo nitong nakalugay na buhok, ang kanyang bangs na nakadikit sa pawisan na noo, maging sa mga taong nakaka-bangga at maging ang bag pack na dala-dala ay 'di niya napansin na ito'y nakabukas at Unti-unting nahuhulog ang kanyang mga gamit. Ilang saglit pumasok ulit sa isip ang ilang ulit na pagbabanta sa kanya. "Sige Alexa, magsumbong ka! Dahil ipapatikim ko sayo ang Impyerno! Tandaan mo! wala akong k-kal-lul-luw-wa." Pabalik-balik sa kanyang isipan ang pangyayaring animo'y masamang bangongot sa buhay niya. Maslalong nagulo ang utak niya, kung hindi niya maitama ang lahat mas-lalo siyang guguluhin ni Jessica.
Mabilis ang paggalaw ng kanyang mga paa, tila may sariling daan ang mga paang walang humpay sa paghakbang. Mariin siyang napalunok. Ang nais niyang matapos ay mawala ang takot na naramdaman.
--
Hinihingal si Celine sa katatakbo dahil sa mga armadong lalaking humahabol sa kanya. Mabilis siyang napayuko ng makarinig ng sunod-sunod na putok. Isinawalang bahala niya ang lahat ng pagod na nararamdaman, ang pawisan na mukha at ang mga tinik na sumusugat sa kanyang braso at binti dahil sa masikot na lugar na tinatahak.
Ang tanging nasa-isip niya ay ang maka-ligtas sa mga taong gustong pumatay sa kanya. Malapit nang sakupin ng dilim ang natitirang liwanag kaya mas-itinudo niya ang pagtakbo, nang sa gano'n malisan ang masukal na lugar. "Takbo Celine... takbo... tumakbo ka lang hanggang may lupa," tanging nasa isip ni Celine.
Naririnig niya na, ang mga yapak ng mga taong humahabol sa kanya. Tiyak malapit na siyang maabotan ng mga ito. Hinihingal man ay 'di niya nagawang magpahinga. Sagabal man sa kanyang mukha ang mahabang buhok na may kulot sa dulo, ay 'di na nagawang itali pa. May nakikita na siyang mga ilaw hudyat na malapit na siya sa bayan.
Nayayapos man ang hininga hindi maiwansan ni Celine ang mapangiti nang marating niya ang daan papunta sa bayan. Gano'n pa man mabilis din itong napawi nang naramdaman niyang malapit na ang kalaban. Hinanda niya ang sarili para sa muling pagtakbo ng mabilis. "Sige pa Celine takbo lang kunti nalang, makakaligtas kana. Tiyak may makakatulong sayo pagnarating muna ang bayan," bulong niya upang palakasin ang sarili.
Saglit na napatigil si Celine ng may nakitang bulto ng babaeng papalapit. Sasalubungin niya ito upang humingi nang tulong.
Papalapit na siya sa babae...
Malapit na...
Kunti nalang...
Ilang metro nalang ang layo niya sa babae nang siya'y biglang napatigil sa pagtakbo. Subra itong nagulat hindi ito makapaniwala sa mukhang nasilayan niya sa babae. Iniling niya ang kanyang ulo at kumurap upang masiguro kung ito ba'y totoo. At hindi nga siya nagkakamali, totoo ang nakikita niya. Mahigit sampung taon man nang sila'y magkawalay. Makilala niya parin ang kapatid sa kahit anong paraan. Ang pamumutla nito ay hindi hadlang upang mapagtanto na kapatid niya nga ito.
Maging ito napatigil din nang siya'y masilayan. Parang tumigil ang mundo sa pagitan nilang dalawa.
Hindi alam ni Celine kung ano ang kanyang maramdaman. Matutuwa ba siya o mas lalong mangamba dahil sa ngayon, hindi lang sarili niya ang mailagay sa alanganin, maging ang kanyang pinakamamahal na kapatid.
"S-Sele-n-na," ang tanging nabanggit ni Celine. Naghalong takot at kasiyahan ang kanyang naramdaman. Ang gusto niyang gawin ay yapusin sa yakap ang kapatid.
Tila nahimasmasan si Alexa at nawala ang lahat na gumugulo sa isip niya. Nakauwang ang kanyang labi at nanatiling nakatayo. Kung nanaginip man siya'y ayaw yanang magising. Parang pinahid ang lahat ng takot sa kanyang dibdib. Ang tanging iniisip niya ay ang mukhang nasa harap niya ngayon. Ilang taon niyang hinintay upang muli itong makasama. Sa unang pagkakataon may kaligayahang humahaplos sa kanyang puso.
"Se-le-na,’’ rinig niya ang bulong ng kapatid. Tumulo ang kanyang mga luha sa 'di inaasahan na marinig muli ang kanyang totoong pangalan. At sa muling pagkakataon nabanggit niya ang pangalan ng kapatid na 'di inaasahan na magagawa pa. "C-Celine," namamaos na boses sa pagbigkas ni Alexa. "Celine!" sigaw niya sa Muling pagtawag sa pangalan ng kapatid.
Matinding pananabik sa kapatid ang kanyang nararamdaman. Maging ang kanyang kapatid tiyak gano'n din. Nagulat si Alexa na bumaling si Celine sa kanyang likuran at may takot sa mukha na muli itong humarap sa kanya.
Tumakbo ang kanyang kapatid papunta sa kanya. Sinalubong niya ito ng dalawang kamay dahil alam niya na yayakapin siya nito. Mabilis ang bawat hakbang ng kanyang kapatid. Nang makalapit ito sa kanya. Nagulat ito nang hawakan ang kanyang isang kamay at isinama sa kanyang pagtakbo.
"Celine b-bak," hindi na natuloy ang sasabihin ni Alexa nang makarinig ng mga putok ng baril. Hindi siya nagkakamali sila ang pinuputukan ng mga armadong lalaki. Hindi man naintindihan. Sinabayan niya ang pagtakbo ng kapatid. Sinubukang bilisin na kasing bilis nito.
"CELINE!"
Malakas na sigaw ng lalaki ang kanilang narinig. Hindi inaasahan pareho silang napabaling. Nang napagtanto midyu malayo pa ang pinanggalingan ng boses. Nagkatinginan sila saglit. Hinigpitan ni Alexa ang paghawak sa kanyang kapatid at parehong binilisan ang pagtakbo.
Halos hindi makapaniwala si Lucio Mercado na makatakas si Celine dahil bihag yana ito at ilang sandali nalang ay tatapusin yana ito, pero talagang mautak at matinik si Celine dahil sinanay ito ng kanyang kapatid. Gayon pa man, kailangan yana itong mapatay sa kahit anong paraan.
"Celine! Akala mo ba makakatakas ka! Sige habulin niyo mga gonggong!" Utos ni Lucio sa kanyang mga tauhan. Nagtagis ang mga bagang niya sa galit.
Hindi niya hahayaan na makatakas ang babaeng posibling maging dahilan ng kanyang pagbagsak. Kinuyom niya ang kanyang kamao. At muling nagsalita, "Hindi matatapos ang gabing ito hanggang 'di kita mapapatay Celine! Ang babaeng wala bahid na dugo na maging isang Mercado." Kinuha niya ang kanyang baril at pinutok sa kawalan. "Tandaan mo Celine mamatay ka ngayon!" malakas na sigaw ni Lucio.
---
Tanging ilaw nalang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa dalawang babaeng walang humpay sa pagtakbo. Parehong hinihingal at pagod na pagod.
"Selena, Bilisan mo maabutan na nila tayo." Utos ni Celine sa kanyang kapatid.
"Celine, h-hindi ko na k-kaya, p-pagod na p-pagod na a-ako," hinihingal na sabi ni Selena.
"Selena, Kailangan mong lakasan ang loob mo. Kailangan natin makaligtas." Pangungumbinsi nito sa kapatid. Hindi mawala ang pagalala ni Celine sa kanyang kapatid. Alam niya mula pagkabata ay taglay na ni Selena ang pagiging mahina. Tinignan niya ito halos putlang-putla dala sa matinding pagod. Natutuyo na din ang mga labi nito. Gusto man nitong tumigil sa pagtakbo ay hindi pwede dahil nakasisiguro siya na pareho silang papatayin ng mga taong humahabol sa kanila.
Ilang putok ng baril ang pinutok sa kinaroroonan nila.
Pareho silang nagulat at napatakip sa tainga.
Natataranta si Selena kaya hindi nito mapigilang mapasigaw. Kumilos ito para muling tumakbo pero huli na, hindi niya namalayan ang bangin sa gilid niya. ‘’Ahhhhh!" Impit siyang napasigaw nang nahuhulog siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa takot na danasin ang bangin. Muli siyang napadilat na may mga kamay na humawak sa kanya. Buong pwersa siya nitong hinila para hindi mahulog sa bangin.
"Selena, kumapit ka ng mabuti," anas ni Celine sa kanyang kapatid. Mabuti nalang mabilis niyang nahawakan ito. Hinatak niya ito nang hinatak. Hanggang maiangat sa bangin.
Nang maka-angat si Selena hindi inaasahan ni Celine ang madulas, huli na nang mahawakan siya ni Selena dumiretso na ito sa bangin.
"Celine!" sigaw ni Selena.
Mabuti nalang nakahawak si Celine sa matulis na bato na naka-dikit sa bangin. Hindi niya ma-tantiya ang ilalim ng bangin dahil napakadilim. Pero nararamdaman niya na may kalaliman ito.
"Celine! Celine!"
Naririnig niya ang sigaw ni Selena, namamaos na ang boses nito tiyak na umiiyak na. Umaangat siya nang tingin. "Selena, nandito ako," sabi nito. Nahihirapan man ay pilit na kumakapit sa bato.
"Celine! Celine, subukan mong abutin ang aking kamay," bulalas na saad ni Selena.
Nahihirapan man si Celine ay pilit niyang ina-abot ang kamay ni Selena. Napapitlag siya nang maririnig ang malakas ng yapak ng mga kalaban. Kinakabahan siya para sa kapatid. Hindi niya tinuloy ang pag-abot sa kamay ng kapatid "Selena tumakbo kana! Iligtas mo ang iyong sarili!" Utos nito Kay Selena. Ramdam niyang alam din nito na papalapit na ang kalaban.
"Ayoko Celine! pakiusap subukan mong abutin ang aking kamay!" pagsusumamo nito. Pilit na inaabot ang kamay ng kapatid sa ilalim ng bangin.
"Paki-usap Selena, tumakbo kana! pangako muli kitang hahanapin," pagkukumbinsi ni Celine sa kapatid. Kinakabahan siya para rito.
"Hindi pwede! Celine, ayoko nang mawalay sayo...." umiiyak na sabi ni Selena habang nanatiling inaabot ang kamay ng kapatid.
"Selena! Tumakbo k..aa, ahh!" Hindi niya na matapos ang sasabihin nang bumigay ang batong hinahawakan niya. "Selennnnaaaa takbo!" Malakas niyang sigaw habang patuloy siyang dumadaosdus sa kailaliman ng bangin.
"Selenaaaa..." Ang tanging niyang sambit ilang putok ng baril ang huli niyang narinig nang tuluyang dumilim ang kanyang paningin.