CHAPTER 62

1564 Words

NAGULAT ako ng makita ang asawang nakatayo sa may paanan ng kama. Bitbit pa nito ang attached case. Katatapos ko lang no'n maligo. Nang bigla itong pumihit paharap sa akin. "Wife!" Kaagad itong lumapit at humalik sa labi ko. Niyakap din ako nito. Napaiwas naman ako ng tingin. "Akala ko ba bukas pa ang uwi mo?" mahinahong tanong ko. Nang lalo ako nitong yapusin. Hinawakan ang baba ko upang magtagpo ang mga mata namin sa isa't isa. "Paaabutin ko pa ba ng bukas kung hindi ko nalalaman ang dahilan at bigla-bigla na lang nagagalit ang mahal kong asawa?" Bigla akong napalunok. "Magbibihis lang ako." Ramdam kong sumunod ito sa closet area. Napasinghap pa ako ng yumakap ito mula sa likuran ko. "Hindi mo ba ako namiss, wife ko?" Ramdam kong nagtatampo ito sa paraan ng pananalita nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD