"Bitiwan mo ako, ano ba?!" Sa kabila ng paglulumikot nito, maingat ko pa rin itong naibaba. Ngunit bigla ako nitong itinulak. Hindi pa ito nakuntento, pinaghahampas nito ang dibdib ko. Hinayaan ko lang ito. Ramdam ko ang sakit at kabiguan nito. Napalunok ako habang pinagmamasdan itong lumuluha. Gusto kong umiyak! Ang sakit sa pakiramdam na ang babaing matagal ko ng iniibig ay sa kapatid ko pa nagmahal! Minsan, hinihiling ko na sana ako na lang si Alex, para nasuklian ko ang pagmamahal nito. "Tama na!" mahinahon na wika ko. Hinuli ko ang dalawang kamay nito. Ngunit nagpupumilit itong pumiglas. "I hate you! I hate you!" umiiyak na wika nito. Hanggang sa nanghihina itong huminto sa pakikipagpumiglasan sa akin. Ngunit napalitan naman ng mahihinang hikbi ang pag-iyak nito. Napakur

