ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Sofie.
Ngayon ang unang araw niya sa college. Architect ang kinuha niyang kurso gaya ni Sofia at ni Nhikira.
"Sofie, tapos ka na? Nandiyan na sila Nhikira!" sigaw ni Sofia mula sa labas ng kuwarto ko.
Binuksan ko ito ng pinto.
Ngiting-ngiti ito.
"Tara na?" excited na wika nito sabay hawak sa braso ko.
"Sure ka na ganiyan ang suot mo?" tanong ko sa kakambal.
Sexy dress ang suot nito. Para lang itong dadalo sa isang party.
"Oo naman. May problema ba? Hindi ba bagay?"
Umikot-ikot pa ito sa harapan ko.
Lihim akong napabuntong-hininga.
"Bagay syempre. Pero sa school tayo--"
"Okay lang 'yan, Sofie. Para naman ito kay Alex!" pabulong na wika nito.
Nangingislap na naman ang mga mata nito.
Bigla naman akong natahimik.
Sa loob ng ilang buwang bakasyon, madalas pumunta si Sofia sa mansion ng mga Priscela.
Bihira ko rin itong masamahan at tamad akong lumabas-labas. Taong bahay nga ang tawag sa akin nila mommy.
Ngunit may minsan naman na napapadalaw mismo si Alex sa mansion namin na talagang ikinatutuwa ni Sofia.
Lalo naman akong naghinala na posible ngang si Sofia ang babaing tinutukoy nito noon.
"Kuya Alex!" sigaw ni Sofia sabay takbo.
Nasa loob ng sasakyan ang binata. Ito ang nagmamameho.
Akmang tatabi si Sofia rito ng makitang nakaupo roon si Daniel. Bigla naman itong napasimangot.
Umirap pa ito kay Daniel na ikinangisi lang nito.
Sumakay kami sa likod. Binati nito si Nhikira. Nginitian ko naman ang kaibigan.
"Saang school ka pupunta, Sofia?" Pansin ko ang pang-aasar ni Daniel sa kakambal ko.
Nang mapatingin ako kay Alex. Sakto namang tumingin ito sa salamin malapit dito.
Biglang nagtagpo ang mga mata namin. 'Agad kong naiiwas ang paningin dito.
"Huwag mo nga akong kausapin!" naiinis na wika ng kakambal ko.
Hanggang sa nakangiti itong bumaleng kay Alex. Pinapatakbo na nito ang sasakyan.
Hatid sundo kami ng mga ito. Kung bakit nakiusap pa sila mommy na isabay-sabay na lang kami sa tuwing tutungo ng school.
Mayroon namang mga tauhan sila daddy pero mas safe daw kung sa mismong sasakyan ng Priscela kami sasakay habang nasa ibang bansa ang mga ito.
Maraming tauhan ang mga Priscela. Hindi naman kasi lingid sa amin kung gaano kayaman ang angkan ng mga ito.
Apat na sasakyan din ang nakaalalay sa sasakyan namin ngayon.
"How do I look, Kuya Alex?" wika ni Sofia.
Lihim naman akong napalunok. Hanggang sa nakipag-usap na lang ako kay Nhikira.
"Tsk. Kailangan pa bang itanong 'yan? Hindi ka ba tumingin sa salamin?" Si Daniel ulit.
Mukhang hindi na naman maipinta ang mukha nito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit lagi itong naiinis sa kakambal ko.
Pansin ko ang inis sa mukha ni Sofia.
"Puwede ba Kuya Daniel, manahimik ka? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko!"
"Hindi mo 'ko kapatid. Kaya huwag mo kong --"
"Kuy Daniel! Kuya Daniel! Kuya Daniel!" Pang-aasar ni Sofia.
Akmang hahawakan ni Daniel ang braso ni Sofia ng bigla itong sumiksik sa upuan.
Doon naman tumikhim si Alex.
"Para kayong mga aso't pusa. Mamaya niyan kayo rin ang magkatuluyan."
Doon ako napatitig sa binata. Sa salamin, kitang-kita ko ang pagngisi nito.
Bahagyang napakunot ang noo ko.
Payag ito kung sakali na ang dalawa ang magkatuluyan? Akala ko pa naman may pagtingin ito sa kakambal ko?
"Dah? Hindi mangyayari 'yan Kuya Alex no! Hindi ko siya magugustuhan kahit kailan!" inis na wika ni Sofia. "Besides, may nagugustuhan na akong iba!"
Ngumisi naman si Daniel.
"As if naman magugustuhan din kita? At sinisigurado ko sa iyo, 'di ka magugustuhan ng lalaking gusto mo!"
Umismid naman ang kakambal ko.
"Para namang kilala mo ang--"
"What if kilala ko nga?" tumaas ang kanang kilay ni Daniel.
"Asa ka!" Sabay irap ng kakambal ko.
Napahinto lang ang mga ito ng makarating kami sa University.
Pagkababa ng sasakyan, kaagad kumapit si Sofia sa braso ni Alex.
"Hoy, pangit. Iba ang classroom niyo!" sita na naman ni Daniel.
Para itong inis na inis sa kapatid ko.
Parang umuusok naman ang ilong ng kakambal ko.
"What did you say? Ako pangit?" sabay turo sa sarili ng kakambal ko.
Napahilot naman ako sa sintido at lagi na lang nagbabangayan ang dalawa sa tuwing nagkikita ang mga ito.
Pansin ko ang pag-arko ng labi ni Daniel. Para itong tuwang-tuwa na namumula sa inis ang mukha ng kakambal ko.
"Oo!"
Nanlaki ang mga mata ni Sofia. Akmang manghahampas ito ng mapigilan ito ni Alex.
"Sige na. Pumasok na kayo," wika nito sa amin.
Asar na asar naman si Sofia.
"Ingat. Huwag magpapaligaw," pahabol pa ni Alex.
At ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko ng makitang sa akin ito nakatingin. Hindi ito pansin ng kakambal ko at matalim pa rin itong nakatitig kay Daniel na pangisi-ngisi lang.
Kaagad kong naiyuko ang ulo ko at pakiramdam ko, uminit ang magkabilaan kong pisngi.
"Sino ba ang sinasabihan mo, kuya?" tanong ni Nhikira.
Tumikhim ito.
"Kayong tatlo. Pag-aaral muna atupagin."
Bigla namang napangiti si Sofia sabay lapit kay Alex.
"Don't worry, Kuya Alex. Never akong magpapaligaw kasi nga may gusto--"
"Pangit, 'wag ka ng umasa na maliligawan ka." Sumingit na naman si Daniel.
Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti ng bahagya. Kung bakit inaasar nito ang kakambal ko.
At sa ginawa kong pagngiti, 'di sinasadyang mapalingon sa gawi ni Alex. At kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata nito habang titig na titig sa akin.
Bigla akong napalunok sabay iwas ng tingin.
"I hate you!" inis na wika ng kakambal ko.
"I hate you too!" ganti naman ni Daniel.
Akmang magsasalita pa si Sofia ng tawagin ko na ito.
"Baka ma-late pa tayo."
Todo irap naman ang iniwan nito kay Daniel.
"Bye, Kuya Alex. Saka na tayo mag-usap kapag wala na ang halimaw!"
At bigla na lang natawa si Nhikira.
Napaubo rin si Alex. Muntik na akong mapangiti ngunit 'agad ko ring napigilan.
Magkasundo pa naman kami ni Daniel. Baka magtampo e!
Bigla namang tumakbo si Sofia ng mukhang lalapitan ito ni Daniel. Tawang-tawa naman ang kakambal ko habang binibilatan ang binata.
Kumaway naman si Nhikira sa mga kapatid.
Kaagad akong napatalikod at naiilang ako sa paraan ng tingin ni Alex.
Kung minsan, talagang kinakabahan ako at para bang may kakaiba sa mga titig nito sa akin?
Ngunit kaagad ko rin namang iwinawaksi at baka nagkakamali lamang ako.
Naalala ko pa no'ng sinabi nitong gusto nitong makipaglapit sa akin. Pero hindi naman 'yon nangyari.
Dahil ayoko.
May takot sa puso ko lalo na't malapit ito sa kakambal ko.