BIGLA akong napalunok.
Nasundan ko ito ng tingin ng lumapit ito kila mommy at daddy. Tumili pa si Nhikira ng makita ang matalik na kaibigan.
Para akong tangang napapalunok laway habang pinagmamasdan ang likuran ng dalaga.
Fitted dress ang suot nito kaya naman lumitaw ang kurbada ng pangangatawan nito. Dalagang-dalaga na talaga ito kung pagmamasdan.
Naka-ponytail ang buhok nito na may kaunting buhok na nakalugay sa magkabilaang pisngi nito.
Ngunit bumigat ang pakiramdam ko at nakahawak ito sa braso ng kapatid kong si Daniel. Hindi ko nga alam kung bakit pinagseselusan ko ang kapatid.
Siguro dahil nangangarap akong sana ako ang nasa sitwasyon nito. Na sana ako ang hinahawakan ng babaing mahal ko.
"Kuya! Dance!"
Bigla akong napalingon kay Sofia na humahataw sa pagsayaw.
"Banyo lang ako!" paalam ko.
Hindi pa kasi nito napapansin na dumating na ang kakambal nito at napapalibutan ito ng mga kaibigan ko at ilang studyante.
"Nandiyan na si Sofie, aliwin niyo muna si Sofia!"bulong ko sa kaibigang si Buddy.
Isang tango ang pinakawalan nito.
Tiyak ko kasing parang tuko na naman itong kakapit sa akin. Hindi na naman ako nito makakabuwelo.
Ang totoo, nagbabalak na akong paunti-unti kukunin ko ang loob ng dalaga. Para kapag nasa tamang edad na ito, hindi na ako mahihirapan pang magpalipad hangin dito!
ISANG tikhim ang pinakawalan ko.
Sabay-sabay silang napalingon.
"Oh, nandito na ang hinahanap mo!" si Tita Bernadeth.
At ewan ko ba kung bakit kakaiba yata ang paraan ng boses nito? Parang nanunukso?
Ngunit kaagad ko iyon iwinaksi. Sadyang mahal ko lang ang dalaga kaya binibigyan ko ng malisya ang sinabi nito.
Pero kitang-kita ko ang matatamis na ngiti nila mommy at Tita Bernadeth.
Gusto kong mapangiti ng makitang bahagyang namula ang pisngi ni Sofie!
"Hi Sofie/ Hi Alex." Sabay pa naming bigkas!
Sandali kaming nagkatitigan at nawalan ng sasabihin. Hanggang sa ito na ang nag-iwas ng tingin.
Tumikhim naman ang kapatid ko na nasa tabi lang nito.
"Tamang-tama, sweet dance! Puwede ba kitang maisayaw, Sofie?" masuyong bigkas ng kapatid ko.
Biglang gumalaw ang panga ko.
Nakatingin naman ako sa dalaga. Hinihintay ang magiging reaksyon nito. Ngunit parang lumukso ang puso ko at bigla itong lumingon sa akin.
"Sige na, Dan. Isayaw mo na si Sofie! Para naman hindi siya mabagot," nakangiting wika ni Nhikira sa kakambal.
Pansin ko na natitigilan si Sofie.
"Please, Sofie?" At bahagya pang iniluhod ng kapatid ko ang isang paa nito.
Daig pang nag-aalok ng kasal!
Para akong hindi makahinga ng mga oras na iyon! Balak ko pa naman sanang yayaing isayaw ang dalaga, naunahan pa!
Ang tanong, papayag kaya siyang isayaw mo? Hindi naman kayo close? Halata ngang umiiwas siya sa'yo e!
Biglang binalot ng lungkot ang puso ko.
Iniisip ko talaga kung anong ayaw nito sa akin? Noon pa man, iwas na iwas na ito sa akin.
"Sige na, anak! Minsan lang ito," segunda ni Tita Bernadeth na siyang ikinapanghina ng tuhod ko.
"Okay!" wika ni Sofie.
Pumalakpak naman si Nhikira.
Bigla naman akong napayuko. Itinago ang sakit sa mga mata ko.
Sana ako rin..
"Ikaw son? Ayaw mo bang isayaw si Sofia?" Si mommy.
Luminga-linga ako. Nakita ko itong kumaway kay Sofie. At kaagad napabaling sa akin.
Nakangiti itong nagmamadaling lumapit sa amin.
"Of course, mom! Baka iyakan pa 'ko niyan dito!" pagbibiro ko.
Natawa naman ang mga ito.
"Ako ba pinag-uusapan niyo?" kandahaba ang nguso nito ng makalapit sa amin.
Si Nhikira naman, isinayaw ng kaklase nito.
Sila daddy naman nasa kabilang table, kausap ang mga ka-business partner nito.
"Isasayaw ka raw ni Alex, anak!" Si tita.
Nagningning naman ang mga mata ng dalaga.
"E, 'di tara na!" Sabay hawak sa braso ko.
Sabay pang natawa sila mommy at Tita Bernadeth.
Pasimple ko namang tiningnan sila Daniel at Sofie. Paminsan-minsan ngumingiti ang dalaga.
Kung minsan hinihiling ko na sana ako na lang si Daniel.
Sinadya kong dalhin si Sofia malapit sa dalawa. Pansin ko ang paglingon ng mga ito sa amin.
"Bagay na bagay kayo, Sofie ni Kuya Daniel!" daldal ni Sofia.
Gulat akong napatingin kay Sofia. Hindi ko yata nagustuhan ang sinabi nito!
Kitang-kita ko rin ang pagkagulat ni Sofie. Samantalang pangisi-ngisi lang si Daniel.
Naiinis tuloy ako sa hindi maipaliwanag na dahilan!
"Eh, Ikaw? Walang babagay sa'yo kasi isip bata ka!" pang-aasar bigla ni Daniel kay Sofia.
Biglang naglaho ang ngiti ni Sofia at namula ang mukha nito sa inis.
"Ang sama talaga ng ugali mo! Binabawi ko na ang sinabi ko! 'Di pala nababagay sa'yo si Sofie at ang asim ng ugali mo!"
Gusto kong matawa at parang nagbabangayan ang dalawa sa gitna ng stage.
Napaawang naman ang labi ni Sofie na siyang ikinalunok ko. Pinkish iyon at alam kong natural ang pamumula no'n.
Balang araw, mahahalikan din kita, prinsesa ko.
Akmang magsasalita si Daniel ng biglang may magsalita sa microphone.
"Okay guys, change partner naman! Para magkakilala ang bawat isa!"
Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Saktong pagtingin ko sa dalaga, ay siyang pagtingin din nito sa akin.
"U-umupo na lang tayo--"
"Change partner daw," Pinutol ko ang sasabihin ni Sofie.
Damn, ngayon pa ba ako hihina-hina? Pagkakataon ko na ito.
"Ayoko kuya!" biglang wika ni Sofia.
Umirap pa ito kay Daniel.
Ngunit parang gusto kong mapangiti ng si Daniel mismo ang magbigay ng kamay ni Sofie sa akin.
Gulat na napatingin si Sofie kay Daniel.
"Baka isipin ng kapatid ko, ipinagdadamot kita." At ngumiti ito.
Gusto ko yata itong yakapin.
Nilingon ko naman si Sofia na 'di maipinta ang mukha. Matalim ang mga mata na nakatitig kay Daniel.
"Sofia?" wika ko sa dalaga.
Tumingin naman ito sa akin.
"Okay lang sa akin, isayaw mo si Sofie. Pero babalik na lang ako ng upuan--Ayy!"
Napatili ito ng bigla itong hawakan sa braso ni Daniel at bigla itong dinala sa dulo na may kalayuan sa amin.
Pansin ko na mahigpit nitong hinawakan ang baywang ni Sofia.
Lihim na umarko ang gilid ng labi ko.
Mukhang gumagalaw na ang kapatid ko ah?
Hanggang sa pareho kaming nagkatitigan ni Sofie. Tumikhim naman ako.
"May I?" masuyong tanong ko sa dalaga.
Pansin ko ang paglunok nito bago tumango.
Palakas nang palakas ang t***k ng puso ko.
Maingat kong hinawakan ang maliit nitong balingkinitan. Inilagay naman nito ang dalawang kamay sa balikat ko.
Hindi ito makatingin sa akin.
Para itong kinakabahan?
Lalo lang akong naiinlove sa kantang pumapailanlang. Beautiful in white ba naman!
"How are you, Sofie?" malambing na tanong ko sa dalaga.
Pasimple ko pang ipinulupot ng husto ang braso ko sa balingkinitan nito. Gusto kong iparamdam dito na sa akin lang ito.
"Okay lang," tipid na sagot nito.
Nanatili itong nakayuko.
"Natatakot ka ba sa akin?"
Bigla itong nag-angat ng tingin. Nagtatanong ang magagandang mga mata nito.
Lihim akong napalunok. Hindi ko naitago ang pagmamahal na nararamdaman ko para dito.
Hiling ko nga na sana makita nito.
"Bakit naman ako matatakot sa iyo?"
"Noon pa man kasi ako lang yata ang hindi mo kinakausap." Binigyan ito ng malungkot na ngiti.
Ipinakita ko rito na nagtatampo ako.
"Iniiwasan mo ba ako, Sofie?" tanong ko pa.
Pansin ko ang kaba sa mukha nito.
"H-hindi ah. Bakit naman kita iiwasan?"
"So, hindi pa ba huli ang lahat para maging close tayo gaya ni Sofia?" Para akong nang-aakit sa paraan ng boses ko.
Gusto kong makuha ang puso nito.
Nang bigla itong yumuko.
"Wala namang dahilan para maging close pa tayo. Nandiyan naman na si Sofia."
Sandali akong natigilan. Napatulala sa dalaga.
Bigla ring kumabog ang dibdib ko.
Anong ibig sabihin nito?
"Iba ka, Sofie."
Napaangat ito ng tingin. Malalim ko itong tinitigan.
Kulang na lang haplusin ko ang makinis nitong mukha.
"Gusto rin kitang makasama at makausap katulad ngayon. Gusto kong mapalapit sa--"
Bigla akong napahinto ng makitang papalapit si Sofia!
"Change partner na tayo, Sofie. Naiinis lang ako kay Kuya Daniel."
Kulang na lang pigilan ko si Sofie na 'wag bumitaw sa akin.
Inalis na nga nito ang kamay sa balikat ko ngunit hindi ko kaagad inaalis ang pagkakahawak sa baywang nito.
"Sige. Gusto ko na ring umupo," sagot nito sa kakambal.
Doon ko napilitang bitiwan ang maliit nitong baywang. At hindi nga ako nakapagpigil, marahan ko iyong pinisil.
Hinawakan nito ang braso ni Daniel at niyaya ng umupo.
Pansin ko pa ang nakakalukong ngisi ni Daniel kay Sofia. Binilatan naman ito ng dalaga.
Mabigat naman akong napabuntong-hininga habang hinahabol ng tingin ang babaing minamahal ko.
Sa tamang araw, sa tamang panahon magiging akin ka rin, prinsesa ko.
Lihim akong nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.