CHAPTER 1

1300 Words
PRISCELA'S UNIVERSITY "Bro, nandiyan na ang prinsesa mo!" Panunukso ni Cael. Napalingon naman ako. Tumatakbo nga si Sofia papunta sa direksyon ko. Lihim ko namang sinulyapan ang kakambal nito na nakasunod lang sa likuran nito. At tulad ng dati, pinapalakas nito ang t***k ng puso ko. Lalo akong napapamahal dito ngayong dalaga na ito. Lalo itong gumanda. At hindi ko maitatanggi na talagang napaka-sexy nito. Pero katulad ng dati, napakatahimik nito at halos hindi man lang ngumiti. Maamo ang mukha ngunit dahil sa pagiging seryoso nito, napapansin ang pagiging masungit nito. Hindi katulad ni Sofia na laging nakangiti. Pero sa kabila no'n, marami pa ring kabinataan ang nangangarap sa dalaga. Hindi lang nila ito malapit-lapitan at takot sila sa akin. Pinagbantaan ko yata sila na walang lalapit sa dalawang kambal na Domingo. Walang puwedeng bumastos sa mga ito. Bukod sa kapatid ang turing ko kay Sofia, pinapangarap ko namang maging nobya si Sofie. Ang matagal ko ng sinisinta na lihim kong itinatago sa puso ko. Saka ko na ipagtatapat, at saka na 'ko, kikilos kapag nasa tamang edad na ito. Saka na rin ako magsisimulang manligaw kapag naka-graduate na ako. Para naman may maipagmamalaki na ito sa 'kin. Sa edad nitong labing dalawa, mukha na itong sixteen years old, sa laki ng bulas nito. Dalagang-dalaga na! Ika nga, parang puwede ng pitasin! First year high school pa lang ang dalawang kambal, kasabay ng dalawang kambal kong kapatid na sina Daniel at Nhikira. Samantalang 3rd year college na ako as a Engineer. After ko maka-graduate, kailangan ko pang mag-aral ng Master Business Administration dahil ako lang naman ang papalit na CEO pagdating ng araw. Hindi madali ang mga hahawakan ko lalo na't napakayaman ng angkan namin. Pinagsama ba naman ang Dimitri at Priscela na pinakamayaman sa buong mundo. Pero kailanman, hindi ako nagmalaki kahit kanino. Hindi ako naging bully kahit kanino. Ayoko nga sa taong mayayabang at akala mo kung sino. Doon umiinit ang ulo ko. Ayoko ring may binabastos na babae at talagang makakapanakit ako ng dis oras. Ang sabi nga ng matatanda sa school na kilala ang mga parents ko hindi naman daw nakakapagtaka kung bakit mabait akong binata. Dahil kilalang busilak ang puso ng mommy ko kahit marami itong pinagdaanan sa buhay. Kahit raw ang daddy ko, napakabait nito at walang masabi pagdating sa ugali nito. Ika nga, nasa kaniya na ang hahanapin ng isang babae. At na kay mommy na rin ang lahat-lahat na hahanapin ng isang lalake. "Kuya Alex!" Bigla itong yumakap ng tumayo ako. Nasa tambayan kami ng mga oras na iyon ng mga kaibigan ko. At kahit may kalayuan ang school ng mga ito, talagang hindi ito pumapalyang puntahan ako. Pabor naman 'yon sa akin at lagi kong nasisilayan ang kakambal nitong si Sofie. "Hello po sainyo mga Kuy's!" masiglang bati nito sa mga kaibigan ko. "Hello, princess!" sabay-sabay naman ng apat kong mga kaibigan. Kumapit naman ito sa braso ko. Kasabay ng pagbaling ko kay Sofie ay siyang baling naman ng mga kaibigan ko rito. Ang totoo, hindi lingid sa mga ito na may pagtingin ako sa kakambal ni Sofia. "Hi, Sofie!" bati ng mga ito. Kumaway pa nga sila sa dalaga. At isang simpleng ngiti at tango ang isinukli ng dalaga. Ni hindi nga umabot sa mga mata nito ang ngiti nito. Inalok naman ng mga kaibigan kong umupo ito malapit sa amin, ngunit tumanggi ito, instead umupo sa 'di kalayuan at tumutok sa librong hawak-hawak nito. Lihim namang nagpatingin ang mga ito sa akin. Ang iba napatikhim na lang at napakamot sa ulo. Ang sabi nga nila sa akin, mukha raw akong mahihirapan kay Sofie oras na magpalipad hangin na ako rito. Pero sa isip-isip ko naman, walang mahirap sa akin kapag ginusto ko. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang loob nito. Nakakatatak na sa puso't isip ko na ito ang mapapangasawa ko balang araw. Na walang magmamay-ari dito kun'di ako lang. Kaya nga palihim ko itong pinapabantayan upang malaman ko kaagad kung may umaaligid-aligid na dito. At dahil sa taglay nitong ganda 'di naman nakakapagtaka na maraming nagpapansin dito. Pero dahil sa akin lang ito. Kaya naman palihim kong inutusan ang isa sa mga kaibigan ko na pagsabihan ang mga ito, na 'wag na nilang pakialaman pa si Sofie at may nagmamay-ari na dito. "Masanay na kayo mga Kuy's sa kakambal ko, mas gusto kasi niyang mapag-isa!" wika ni Sofia sa mga kaibigan ko. Tumikhim ako. "Nasaan si Nhikira at hindi yata niya kasama?" tanong ko. Alam ko naman kasing mag-bestfriend ang dalawa. "Umuwi siya Kuya Alex. Sumama ang tiyan niya e. Sinamahan na rin siya ni Kuya Daniel." Bigla naman akong nag-alala para sa kapatid. Sandali akong nagpaalam sa mga ito at tumawag sa mansion. "Manang, nakauwi na ho ba si Nhikira?" "Opo, senorito." "Kumusta ang kapatid ko? Nasaan si mommy?" "Nasa itaas po, senorito. Maayos na po si Princess Nhikira. Nasobrahan daw po yata sa pagkain." Bigla naman akong napabuga ng hangin. Ito ang problema ko sa bunso kong kapatid. Habang lumalaki ito, nakahiligang kumain nang kumain. Kaya ang resulta, tumaba ito. Kaya naman kapag inaasar ito ng kakambal na si Daniel, bigla nalang itong iiyak ng malakas. Ayaw na ayaw kasi nitong napagsasabihan na chubby girl. Pero iyon naman kasi ang totoo. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagpaalam sa kabilang linya. Paglingon ko, nakikipagtawanan si Sofia sa mga kaibigan ko. Napangiti naman ako. Bukod sa malambing ito, pala-kaibigan din. Nang bigla akong mapatitig kay Sofie. Nakasuot na itong headphone sa tainga. Ang ganda mo talaga, prinsesa ko. Naka-side view ito kaya hindi nito pansin ang paninitig ko rito. Ang ganda ng natural curly blonde hair nito. Ginagalaw-galaw ito ng hangin. Para nga itong si Marimar, iyong totoong gumanap ng marimar sa ibang bansa. Napaka-ganda! Ang tangos ng ilong na para bang nakakagigil pisilin! "Kuya Alex!" Bigla akong napalingon. Nakangiting lumapit sa akin si Sofia. "Kuya Alex, nagugutom ako. Hindi pa ako kumakain. Libre mo 'ko!" Nangingiting ginulo ko ang buhok nito. "Ang lapit lang ng canteen sa school niyo ah?" Dumila naman ito. "Eh, gusto kong kasama ka!" Napapailing na lang ako. Sa sobrang kulit nito malabong mahindian ko 'to. Tumayo na rin ang mga kaibigan ko. "Tara, Sofie kakain muna tayo. Libre tayo ni Kuya Alex!" wika nito sa kakambal. Tumayo naman si Sofie. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi ko naman maialis ang pagkakatitig sa dalaga. Ilang beses ba akong napapabuntong hininga ng palihim sa tuwing tinititigan ko ito. Hindi ko naman kasi maitatangging malala na ang tama ko para dito. Pero kailangan kong magtiis dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Bata pa ito kung pagbabasehan para maging kasintahan. Patay ako kay Tito Daniel kapag pinakialaman ko ng maaga ang anak nito. Kailangan may maipagmalaki muna ako. Para naman hindi ako tanggihan ni tito oras na hilingin kong ligawan si Sofie. "Puwede bang mauna na ako sa school? Sumunod ka na lang. Hindi naman ako nagugu--" Nang biglang lumapit dito si Sofia at hawakan ang braso ng kakambal. "Eh, sumama ka na. Ayokong mag-isa pabalik ng school. Kaya nga isinama kita e. Sige na please? Sandali lang tayo." Labis pa ang hiling ko na sana mapapayag ito ni Sofia. Hindi yata kumpleto ang araw ko kapag 'di ko ito nasisilayan at nakakasama. Kahit sabihin pang hindi kami nito halos nagkaka-usap, masaya na akong nasisilayan ang magandang mukha nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. "Mabilis lang tayo. Alam mo namang--" "Opo, alam kong hindi ka sanay sa ganito!" At saka ngumiti si Sofia sa kakambal. Kunot noo lang ang isinagot ni Sofie rito. Lihim namang nagbunyi ang puso ko. Pansin ko pa ang pangisi-ngisi ng mga kaibigan ko. Laking pasalamat ko talaga na naging malapit kami ni Sofia. May dahilan para lagi kong nakikita ang kakambal nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD