CHAPTER 2

1577 Words
LUMIPAS ang mga araw. Malayo pa lang tanaw ko na kung gaano nagkakagulo ang mga kadalagahan. Pati mga kabinataan, hindi maalis ang pagkakatingin sa akin. Yumuyuko ang mga ito bilang pagbati na 'agad ko namang sinusuklian ng simpleng ngiti. Minsan naman kapag nasa harap ko, tatapikin ko ng marahan ang balikat ng mga ito. Tinalo pa ngang nagkakandidato ako sa tuwing pumupunta ako rito sa Pricela's National High School. Nagkakagulo ang mga ito. Bihira lang ako pumunta rito. Iyon kapag 'di ko nasisilayan ang dalagang si Sofie. Katulad ng mga nakaraang araw, hindi ito sumasama sa kakambal na si Sofia kaya naman hindi ko ito nakikita. Kaya ngayon, ako na mismo ang pumunta para lang masilayan ito. Hindi ko maitatangging sobrang miss na miss ko na ito 'agad. Hindi man ito talagang nakikipag-usap, masaya na 'kong nasisilayan ang dalaga. Kung puwede nga, oras-oras o minu-minuto. Sa Canteen kami dumiritso. Lihim akong napapangiti at nanlalaki ang mga mata ng mga kadalagahan. Iyong iba napatayo pa sabay kuha ng litrato. Iyong iba naman nagv'video. "Hi, Alex!" "Hi Grey!" Kumakaway pa ang mga ito. Simpleng ngiti naman ang isinukli ko sa mga ito. Hanggang sa makita ko ang likuran ni Sofia. Ngunit 'agad kong hinanap si Sofie. Pero wala ito? "Kuya?!" gulat na wika ni Sofia. Ngumiti naman ako. Bigla itong tumakbo at niyakap ako. Ginulo ko naman ng marahan ang buhok nito. "Kinikilig naman ako kuya. Pinuntahan mo talaga ako?" Natawa ako ng mahina. Nagniningning ang mga mata e. "Sinipag lang." Ngiting-ngiti naman na ipinulupot nito ang kamay sa braso ko. "Ang suwerte naman ni Sofia." Pansin ko ang bulong-bulungan sa paligid. Alam kong nangangarap din ang mga itong mapansin ko. Pero dahil may sinisinta na nga ako, kaya hindi ako nag-aaksaya ng panahon sa mga ito. Ayoko ring maging paasa. Ayokong masaktan isa man sa kanila. Napapailing na napapangiti ako habang tinitingnan si Sofia. Proud na proud yata? "Kuya.." bati ni Nhikira. Hinalikan ko naman ito sa noo. "Nasaan 'yong best friend mo?" kaswal na tanong ko. Hangga't maaari, sinisikap kong walang makakapansing may pagtingin ako kay Sofie. Akmang magsasalita ito ng unahan na ito ni Sofia. "Nasa banyo. Kanina pa nga 'di pa nabalik e!" Sabay subo ng ice cream. Lihim naman akong napakunot-noo. Tumikhim ako. "Banyo lang ako." "Balik ka 'agad kuya!" nakangusong wika ni Sofia. Iniwan ko naman ang mga kaibigan sa kanila. Mabibilis ang bawat hakbang ko. Instead na tumungo sa banyo ng mga lalake, dumiritso ako sa banyo ng mga babae. Ngunit nanatili ako sa labas. "Miss.." pagtawag ko. Gulat at nanlalaki ang mga mata nito. Bigla ring namula ang mukha sa kilig. "Alex Grey? May kailangan ka sa 'kin?" Sabay hawi ng buhok nito. Nginitian ko na lang ito. "Itatanong ko lang sana kung ilan pa ba ang tao sa loob?" Gumalaw ang labi nito. "Wala ng tao sa loob e. Hinahanap mo ba si Sofia? Nasa canteen iyon." "Ah sige. Salamat." Pansin ko ang pagkadismaya nito. Ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga bago pumasok sa banyo ng mga babae. Nakakapagtaka? Nasaan si Sofie kung ganoon? Hindi kaya nasa classroom na? Pero malabo namang iwanan niya sila Nhikira sa canteen? Inisa-isa kong buksan ang pinto. Kinakabahan pa ako at baka may makita akong 'di ko dapat makita. Talagang lagot ako nito. Bawal pa naman itong pinasukan ko. May tao? Sinubukan kong itulak ang pinto pero 'di mabuksan. Akala ko ba walang tao? Idinikit ko ang tainga sa pintuan. Tinambol ang dibdib ko sa kaba. May umuungol?! Pinilit kong pakinggan. Impit itong umiiyak. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng mabosesan ito. Sofie! Bigla akong napalunok. Nanginig ang mga kamay ko. Hindi ko yata matatanggap kung may kalampungan na itong iba! Lakas loob ko itong kinatok. Gumalaw pa ang panga ko. Baka makapatay ako oras na makita ko ang lalaking nasa loob! Labis ang hiling ko na sana nagkakamali lamang ako. At tiyak maiiyak ako sa harapan ng dalaga. "Sofie, ikaw ba iyan? Are you okay?" Ramdam kong nawala ang ingay sa loob. Muli kong idinikit ang tainga ko. At ngayon sumisinghot-singhot na ito. "Is everything okay, Sofie?" nag-aalalang tanong ko. Hanggang sa marinig kong umiiyak ito. Lalo akong nag-aalala. "Sofie, may problema ba? May masakit ba sa iyo? Tell me. May maitutulong ba ako?" malambing kong pakiusap sa dalaga. "Ang sakit ng tiyan ko!" umiiyak na wika nito. "Buksan mo ang pinto. Dadalhin kita sa hospital." Nakahinga nga ako ng maluwag ng malamang wala naman pala itong kalampungan. Ngunit pinalitan naman ng labis na pag-aalala. "Sofie, open the door, please.." Pakiusap ko. "I c-cant.." Kumunot ang noo ko. "Why?" "Hindi ako makagalaw sa sobrang sakit!" Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Parang dinadaganan ang dibdib ko habang naririnig ang hikbi nito. "Okay. Hintayin mo ako. Kukuin ko lang ang susi. Mabilis lang ako, Princess.." Mabilis akong tumakbo at tumungo sa office. Nagmamadaling hiningi ang duplicate key. Pansin ko ang pagtataka ng mga ito. Pero wala na akong oras para magpaliwanag. "Bubuksan ko na ang pinto, okay?" "Si Sofia na lang. Pakitawag." Bigla akong napapikit. Bahala na. Binuksan ko ang pinto. Bigla akong napatitig dito. Hilam ito ng luha. At hirap na hirap ang itsura nito. "Bakit ka pumasok?" Bigla itong napayuko habang mariing nakahawak sa tiyan nito. Nakaupo ito sa bowl, mabuti na lang mahaba ang palda nito. Napalunok ako. "Dadalhin kita sa hospital, Sofie." Akmang kakargahin ko ito ng mahigpit itong napakapit sa braso ko. Bigla akong napalunok ng matitigan ito. Halos ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. "H-huwag." Hindi ko natiis. Pinunasan ko ang luha sa mga mata nito. "Pero kailangan kitang--" "Mawawala din naman ito." At bumalong na naman ang luha nito. Hindi ko naitago sa mga mata ko na nahihirapan akong nakikita itong nasasaktan. Kung puwedeng ako na lang ang nagdaranas ng nararamdaman nito ngayon. "Paano mawawala iyan? Ano bang--" "I have menstruation. Unang dalaw ko ito. Hindi ko naman akalaing ganito pala kasakit ang unang.." napahikbi ito. Tipong nag-aalala ako, pero nandoon ang tuwa sa puso ko! Ibig sabihin, tunay na ngang dalaga ang minamahal ko?! Gusto ko yatang magpa-party! Titig na titig ako rito. Natauhan lang ako ng lumingon ito sa akin. "Puwede bang makiusap?" "Of course, Princess. Anything." Sandali akong natigilan. Pansin ko rin ang pagkagulat nito. Gusto kong mapapikit. Sa isipan ko lang ito tinatawag na Princess. Umiwas ito ng tingin. "Pakisabi naman sa kakambal ko na bilhan ako ng napkin." Lihim akong napangiti at sa kabila ng pagluha nito, gumuhit ang pamumula sa mukha nito. Alam ko namang nahihiya ito. Pero wala itong dapat ikahiya. Balang araw, ako na ang mag-aalaga rito. "Okay. Mabilis lang ako." Hindi ako nakatiis, hinalikan ko ito sa noo na ikinagulat nito. "I'm just worried." Sabay lunok. Napatitig pa ako sa mamula-mula nitong labi. Kaagad akong lumayo at baka makalimot pa ako. Gusto kong maging espesyal ang unang halik namin sa isa't isa. Inihanda ko yata ang labi ko para dito. Kulang na lang hindi ko ito iwanan. "Oh kuya--" "Kailangan ka ng kakambal mo. Dinatnan siya ng menstruation at ngayon umiiyak siya sa sobrang sakit. Bilhan mo siya ng napkin," bulong ko rito. Gulat naman na napa-awang ang labi nito. "Naunahan pala ako ni kambal?" Napabuntong-hininga naman ako. "Normal iyon Sofia, siya ang unang inilabas." Napanguso naman ito. "Sige na. Bilhan mo na siya. Hinihintay ka na niya." Mabilis naman itong kumilos. Isinama nito ang isang kaibigan. Sumama naman sa akin si Nhikira upang bumili ng gamot para sa pain reliever. Busy naman si Daniel, at mahilig ito sa basketball. "Paano ka nakapasok sa banyo ng mga babae kuya?" Si Nhikira. Lihim naman akong napalunok. "Napadaan lang. Naalala kong nasa banyo ang kakambal ni Sofia at nabanggit niya na kanina pa ito. Kaya na-curios ako. Naisip ko baka kung ano ng nangyari sa kakambal nito. Ang tahimik pa naman ng kaibigan mong iyon. Mabuti na lang pumasok ako noong makita kong wala ng mga tao. Ayon, napansin kong sarado ang isang pintuan. At ayon nga, umiiyak pala siya sa loob." Pansin ko ang pagbuntong-hininga nito. Nasa mukha ang pag-aalala. "Mabuti na lang talaga kuya, naisip mo iyon. Kawawa naman ang best friend ko." Tumango na lang ako. Kaya nga pumunta ako sa school na ito upang masilayan ang dalaga. At laking pasalamat ko at ngayon ako pumunta. PAGKARATING sa banyo. Pumasok sa loob si Sofia. "Oh my! Ang daming dugo Sofie!" Napakamot ako sa batok dahil sa boses nito. Nasa labas lang ako kasama si Nhikira. "Tulungan na kita," wika pa nito sa kakambal. "Pasok lang ako, kuya." Si Nhikira. Tumango na lang din ako. "Hala. May dugo na rin ang underwear mo. Pati na ang palda mo, bes," rinig kong wika ni Nhikira. Ilang beses na yata akong napapalunok. Kumatok ako. Sumilip naman si Nhikira. "Pansamantala ito na muna ang ipantakip niya sa palda niya. And ihahatid ko na siya sa bahay nila." Tumango naman ito. Pagkalabas ng mga ito. Nakaalalay ang mga ito sa magkabilaang braso ni Sofie. Halos lupaypay ito. Pawisan rin ang buong mukha. Hindi na ako nagdalawang isip. "Kakargahin ko na siya." Akmang magpo-protesta si Sofie ng mabilis ko itong kinarga na parang pang bridal. "Kaya ko namang--" "Huwag ka ng mahiya." At saka ito tiningnan. Muntik pang magtama ang mga labi namin! Habang naglalakad patungong sasakyan ng maramdaman kong napahilig ito sa dibdib ko. Lihim naman akong kinilig. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ito nahawakan ng ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD