KANINA pa ako kinakabahan. Masayang nakikipag-usap si Sofia kay Nhikira. Nasa mansion kami ng mga ito ng mga oras na iyon. At iyon naman talaga ang plano ng kakambal ko. Balak naming matulog sa mansion ng mga ito. Ngayon pa lang gusto ko ng umiyak! Kung bakit napapayag ako nito sa mga plano nito. Kung bakit hindi ko ito matiis, sa tuwing umiiyak ito at nagmamakaawa sa harapan ko. Tanghaling tapat ng mga oras na iyon. Hanggang sa napalingon kami ng makarinig kami ng mga yabag. Nasa malaking kuwarto kasi kami ni Nhikira. Doon kami nagpalipas ng oras. Kaagad kong naiiwas ang tingin ng si Alex ang pumasok. "Kuya Alex!" Kaagad itong sinalubong ng kakambal ko. Mukhang nanggaling ito ng opisina base sa attire nito. May bitbit pa ngang attached case. At tulad ng dati, niyakap ito ng

