BIGLA akong naalimpungatan ng maramdamang parang may nakayakap sa katawan ko. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Sofia sa mismong higaan ko. Bigla akong namutla at napabalikwas sa higaan. Parang kidlat na naglaho ang antok ko. Sunod-sunod akong napalunok. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Iniisip ko kung paanong nakapasok ito sa kuwarto ko? At bakit wala itong damit? Kita ko kasi ng bahagya ang balikat nito. Halatang walang suot na damit! At lalong nanayo ang balahibo ko at naka-boxer na lang ako! Ang pagkakaalam ko, may damit ako kagabi? Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa dalagang payapa pa ring natutulog! Iniisip ko kung anong nangyari kagabi? But damn! Hindi ako lasing upang makalimutan ko ang nangyari. Wala ito sa kuwarto ko bago ako natulog, paa

