ISANG buwan ang lumipas. Tapos na rin ang honeymoon nilang mag-asawa. At ngayon nga nandito na ulit sila sa Pilipinas. "Sino susundo sa atin?" tanong ko sa asawa. Pababa kami ng eroplano ng mga oras na iyon. Pag-aari pa rin 'yon ng mga Priscela. Maingat ako nitong inaalalayan. Magkahawak-kamay din kami nito. "Sila Nhikira." Tumango naman ako. Naglalakad kami palabas ng airport ng biglang bumagal ang paghakbang ko. Kumakaway si Nhikira habang nakangiti ang kakambal ko. Wala 'atang sinambit ang asawa ko na kasama pala ang kakambal ko? Napaka-sexy pa naman nito sa suot nitong highwaist short na tinernuhan ng crop top. Masasabi ko ngang ang layo na ng pinagbago ng kakambal ko. Lalo itong naging babaeng-babae. Hindi tulad no'n na para pa itong dalaginding. "Kasama pala ang kakambal

