NAPAAWANG ang bibig ni Sofie ng makita kung gaano kalaki at kalawak ang mansion nilang mag-asawa. "Nagustuhan mo ba?" Bigla akong napalingon sa asawa. "Sa atin ito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Nangingiti naman nitong ipinulupot ang braso sa baywang ko. "Yes, wife. Nagustuhan mo ba?" muling tanong nito. Sunod-sunod akong napatango. "Ang ganda naman!" bulalas ko. Hanggang sa niyaya ako nitong pumasok sa looban. Doon ko naman napansin ang ilang kasambahay na nakahilera. "Magandang umaga, Sir Alex, Ma'am Sofie!" sabay-sabay ng mga ito. Nakagat ko ang ibabang labi. Hanggang sa tumikhim ang asawa ko. "Wife, ito nga pala si Manang Corazon. Siya ang mayordoma." Bahagya akong yumuko. Nakangiti naman itong bumati sa akin. Hanggang sa isa-isang ipinakilala ng asawa ko ang i

