KANINA pa hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi dahil sa kasiyahang naglalarawan sa guwapong mukha ng asawa ko. Kagagaling lang namin ng Ob-Gyn at halos 'di pa rin ako makapaniwalang triplets ang magiging anak namin! Proud na proud pa nga ang asawa ko na nakikipag-usap sa doctor kanina. Simula ng malaman nitong triplets ang anak namin, 'di na nawala ang kislap sa mga mata nito. Sobrang aliwalas ng mukha nito. Lalo din itong naging maingat. Na para bang bawat galaw ko e, lagi itong nakasubaybay. Ngayon nga, naisipan kung tumungo dito sa Mall na pag-aari din nito. Gusto kong kumain ng mang-inasal. At talagang kinikilig ako at lahat ng gustuhin ko, walang reklamong sinusunod nito 'agad. Isang bilyonaryo, ito pa mismo ang naghatid ng makakain namin sa mismong mesa namin. Kapag may ku

