MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN.. Hirap na hirap akong makabangon dahil sa laki ng tiyan ko. Bumitaw pa ako ng mabigat na buntong hininga. "Wife..." Bigla akong napalingon. Nagmamadali itong lumapit sa akin. "Bakit hindi mo 'ko hinintay?" Lumarawan sa mukha nito ang pag-aalala. "Naiihi na kasi ako," reklamo ko na kandahaba ang nguso. Nitong mga nakaraang buwan, nagbabago ang mood ko. Nagmumukha akong isip bata na ang bilis magtampo. Masuyo nitong hinagkan ang noo ko. Kinuha nito ang kamay ko at buong ingat na inakay patungong banyo. Ang totoo, bigat na bigat ako sa sarili. Triplets ba naman ang nasa loob nb tiyan ko! Nahawakan ko ito sa balikat ng ito na mismo ang naghubad ng undies ko. Itinaas na rin nito ang maluwang kong dress. Tiningala ko ang asawa. Mataman itong nakatitig sa a

