HINDI mailalarawan ang saya sa mukha ni Sofia habang papalapit ang kanilang kasal ng kaniyang fiancé na si Daniel. Isang Linggo na lang at kasal na nila. Nasa Mall siya ng mga oras na iyon. Gusto niyang mamili ng mga bagong damit. Balak niya ring puntahan ang kaniyang fiancé mamaya sa opisina nito. Nang mga oras kasing 'yon nasa business conference ito. Natigilan siya ng pagdampot niya ng isang blouse ay siyang pagdampot din ng isang babae? Bigla siyang napalingon. Mas matangkad ito sa kaniya. Sophisticated din itong pagmasdan. At mukhang may lahi? Kung hindi ako nagkakamali, mukhang half foreigner at half Filipino ito? "Mukhang pareho nating natipuhan?" sambit nito. Kumibot ang labi ko. "Sige sa'yo na lang. Maghahanap na lang ako ng iba." Nginitian ko pa ang babae. Akmang

