UNTI-UNTING naglaho ang ngiti sa labi ni Daniel at napalitan ng pag-aalala ng makitang galing sa pag-iyak ang kaniyang fiancée. Halata iyon sa mga mata nito. "Baby..." Akmang lalapitan ko ito ng bigla ako nitong pigilan. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pangamba sa dibdib ko. "May problema ba?" mahinahong tanong ko sa fiancée. Umupo ako sa kabilang sofa katapat ng inuupuan nito. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso ang magandang mukha nito simula ng magkaroon kami ng relasyon. At aaminin kong 'di ko 'yon nagugustuhan at binabalutan ako ng kakaibang pakiramdam sa nakikita ko sa mga mata nito. Umiwas ito ng tingin sa akin. Pansin ko ang paglunok nito. "Ngayon lang kita tatanungin at sana maging totoo ka sa akin." Doon ito tumitig sa mga mata ko. Lihim akong n

