ARAW NG KASAL Buong tamis pa akong nakangiti habang nakasakay sa mamahaling sasakyan patungong simbahan. Napaka-elegante ng suot kong wedding gown na ipinagawa pa ng sadya ng fiancé ko. Walang kaparehas ng desinyo no'n. Galing pa iyon sa ibang bansa. Lahat ng mga alahas na suot ko, pawang galing sa fiancé ko. Kumikinang ang buong kasuutan ko. Nagmistula tuloy akong parang isang reyna! Napalingon ako sa maliit na pouch na dala-dala ko. Tumutunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko at unknown number iyon. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa ko sa kakambal ko noon. Kaya naman 'di ko sinagot ang tumatawag. Kung mahalaga ang sasabihin nito, magagawa nitong mag-text. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng huminto din ito. Ngunit isang video ang biglang ipinadala ng unknown number. H

