LUMUNOK ito sa harapan ko. "Handa akong magpaliwanag, asawa ko. Anoman ang mga nalaman mo..." Sa galit ko, bigla na lang umigkas ang kamay ko sa mukha nito. Kasabay noon ang sariwang luha sa mga mata ko. Nanginig ang mga labi ko. Kinagat ko pa iyon ng mariin upang huwag umalpas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Muli ko itong sinampal sa kabilang pisngi nito. Nanatili itong nakayuko, 'di makatingin sa akin. "S-sinungaling ka!" garalgal at hikbing bigkas ko rito. "P-paano mong..." Napasigok ako. Nanginginig ako ng mga oras na iyon habang lumuluha. "N-nandidiri ako sa'yo!" biglang bulalas ng bibig ko. Doon ito umangat ng tingin. "A-asawa ko--" "H'wag na huwag mo 'kong tatawaging asawa!" singhal ko sa pagmumukha nito. Kitang-kita ko ang pinipigilan nitong luha. "K-kung inaak

