PABALIBAG na binuksan ni Daniel ang pintuan ng opisina ni Kelly. Pansin niya ang matinding pagkagulat sa mukha nito. Lumarawan din dito ang pagkatakot. "Daniel--" Napahinto ito ng marahas kong hablutin ang braso nito. "Ano ba? Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan kitang babae ka! Anong ginawa mo sa asawa ko ha?" Nanlilisik ang mga mata ko. Kung hindi lang talaga ito babae, kanina ko pa ito pinatumba sa kinatatayuan nito. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga kamay ko. Ngunit gigil ko pa iyong hinawakan ng mariin. Wala akong pakialam kung nasasaktan ito. Dahil mas higit nitong nasaktan ang asawa ko! "Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ginagawa sa asawa mo!" Lalo akong napangisi. "Really? Sa tingin mo, pakakawalan kita kung 'di ka magsasabi ng totoo ha!" Napangiwi na ito

