KUMUNOT ang noo ni Sofia ng mapansing nasa ibang kuwarto na siya. Iginala niya ang buong paningin. Mukhang nasa master bedroom siya? Hanggang sa mapagmasdan niya ang sarili. Natatandaan niya pang natulog siya kagabi sa guest room. At nakasuot pa rin siyang wedding gown. Sino naman kaya ang nagpalit ng damit sa akin? Malamang iyong asawa mo! Mapait akong napangiti. Muli ko na namang naramdaman ang pang-iinit ng mga mata ko. Sa tuwing naaalala ko ang kataksilan nito, bigla-bigla na lang bumubugso ang galit sa dibdib ko. Bumaba ako ng kama at hinanap ang banyo. Doon ako nagpalipas ng oras. Hanggang sa tumungo ako ng closet area. Nagtaka pa ako at marami ng damit pang babae? May tag pa? Mukhang bagong bili? Kumuha ako ng simpleng dress na magiging presko sa pakiramdam ko. Napalu

