CHAPTER 117

1892 Words

ISANG malutong na suntok ang ibinigay ko kay Bryan. Umiigting ang panga ko habang kinukuwelyuhan ito. "Hey, what's wrong--" Nang suntukin ko na naman ito. Bigla itong napasalampak sa sahig. Napaatras ito. "Ano bang problema mo?" Marahas kong hinablot ang polo nito sa bandang dibdib nito. "Anong problema ko? Kayo ang problema ko!" sigaw ko sa mukha nito. Pansin ko ang paglunok nito. "Pinagkaisahan niyo ako!" Galit na galit ang mga mata kong nakatitig dito. Alam kong 'di nito magagawang manlaban. Takot na lang nito kapag pinataob ko ang kompanya nila. Kumunot ang noo nito. Nagtaas baba naman ang paghinga ko. "Ano bang pinagsasabi mo?" Pansin ko na rin ang inis sa boses nito. Putok na rin ang ibabang labi nito gawa ng pagsuntok ko ng ilang beses. May bahagya na ring dugo sa gil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD