RONTO EXCLUSIVE BAR Lihim na napamura si Daniel ng sumagi na naman sa isipan niya ang magandang mukha ni Sofia. Lumayo na nga siya para makalimutan ito pero mukhang kahit anong gawin niya, 'di ito mawala-wala sa puso't isipan niya! Pakiramdam niya lalo lang niya itong minamahal! Tipong kahit nasa balintataw niya ang kasungitan nito, bigla bigla na lang siyang napapangiti. Lalo na kapag naaalala ang matamis nitong labi! Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tinungga ang alak na nasa baso. Kumusta na kaya siya? Mahal pa rin kaya niya ang kapatid ko? Mapait akong napangiti. Ngunit bigla akong napaigtad ng maramdamang may gumagapang sa may hita ko. Bigla akong napalingon. "Hi, babe! Wanna have fun?" Biglang bumaba ang tingin ko sa malaking pakwan nito sa dibdib. Ang to

