CHAPTER 65

1631 Words

NAALIMPUNGATAN ako ng makaamoy ng masarap na pagkain. Ramdam kong biglang kumalam ang sikmura ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napangiti ako ng makita ang asawang abalang naglalagay ng pagkain sa maliit na lamesa malapit sa kinahihigaan ko. Simula ng malamang nagdadalawang tao ako, halos ayaw na nitong pumasok sa opisina at ito na lang lagi ang umaasikaso ng gusto kong kainin. Laging maaliwalas ang mukha nito at laging ganado sa bawat kilos nito. Sobrang saya 'ata nitong maging daddy. Laging nakangiti ang guwapong mukha at lalong naging malambing at maingat sa pag-aasikaso sa akin. Natatawa nga ako kung minsan at hindi pa naman malaki ang tiyan ko kung makaalaga na, wagas. Tipong pati paghakbang ko, pinag-iingat nito. Lagi rin ako nitong pinapa-alalahanan na mag-iingat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD