CHAPTER 13

1300 Words

"Bro, baka matunaw," bulong ni Buddy sa akin. Bigla naman akong nagpakawala ng buntong hininga. Hindi ko mapigilan ang sariling titigan sa 'di kalayuan ang dalagang si Sofie. Hindi ko akalain na ganito ito gaganda ng husto! Sa kabila na mahaba ang suot nitong kasuutan, alam ko kung gaano kaganda ang pangangatawan nito. Lalo itong naging dalagang-dalaga! Nakakabaliw itong pagmasdan! Ilang beses na ba akong nagpakawala ng mahabang buntong hininga sa tuwing tinititigan ko ito. Kanina lang halos hindi ko maialis ang pagkakatitig dito. Kung hindi nga lang makakahalata sila Tito Danilo. Ngunit katulad ng dati, walang emosyon ang mga mata nito. Ni hindi ko nga mabasa kung ano ba ang nararamdaman nito ng makita ako. Blangko ang mga mata nito sa tuwing magtatama ang mga paningin namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD