BIGLA akong napabangon sa kinauupuan ng matanaw si Sofie. "Akala ko umuwi ka na?" nakangiting wika sa dalaga. "Galing lang ako ng banyo." Tumango ako. "Nakita mo ba si Kuya Alex?" Lumingon ito sa akin. "Oo. Kasama si Sofie." Biglang bumagal ang paghakbang ko. Parang may kung anong kalabog sa dibdib ang naramdaman ko. "Sige, Sofie. Banyo lang ako." Paalam ko sa dalaga. Tumango naman ito at dumiritso sa kinauupuan nila Nhikira. Malalaki ang hakbang ko. Nilibot ko ang hardin at baka doon lang nag-uusap ang dalawa. Ngunit wala ang mga ito. Naisipan kong tumungo sa itaas kung nasaan ang veranda. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon ang dalawa. Maingat kong inihakbang ang mga paa at nagtago malapit sa mga ito. Curios ako kung anong pag-uusapan ng dalawa. Nakapamulsa ako habang nakasa

