NAPASABUNOT naman si Sofia sa sobrang inis sa Kuya Daniel niya. Hindi niya akalaing ito pa ang magiging hadlang sa binabalak niyang pagtatapat kay Alex. Hindi siya naniniwala rito na kilala nito ang babaing nagugustuhan ni Alex. Mas lalong 'di siya naniniwala na kapatid lang ang turing ni Alex sa kaniya. Umaasa siyang siya ang babaing nagugustuhan nito! Ang tinutukoy nito! At kung sakali ngang totoong kilala nito ang babaing nagugustuhan ni Alex, bakit ganoon na lang ang paghadlang niya sa akin? Ayaw ba niyang maging sister in law niya ako balang araw?! Hindi ako naniniwala rito na ibang babae ang nagugustuhan ni Alex! Wala naman akong nababalitaang nagkaroon ito ng babaing kalapit maliban sa akin! Kaya nasisiguro kong ako ang babaing nagugustuhan ni Alex! Pero bakit ba hadlang ang

