DUMAAN pa ang mga araw at Linggo. Nagtaka ako at wala ang secretary ng nobyo ko sa p'westo nito kung saan ito nakaupo. Kaya naman, dire-diretso kong binuksan ang pintuan ng opisina ng nobyo ko. Nakangiti pa ako ng mga oras na iyon. Ngunit awtomatikong naglaho ang ngiti sa labi ko, at napalitan ng matinding pagkagulat. Bigla rin akong nanigas sa kinatatayuan ko. KUYA ALEX?! Napakurap-kurap ako. Malaki na rin ang pinagbago ng katawan nito. Nag-matured na rin ito ngunit hindi nawala ang kaguwapuhan nito at ganda ng pangangatawan. Pansin ko rin ang pagkagulat sa mukha nito. Tiningnan din ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong napalunok. Napaiwas ng tingin. Hanggang sa tumikhim ang nobyo ko. Akmang lalapit ito ng unahan ko na. "Babalik na lang--" "Stay." Muli akong napalunok.

