NAGING abala ang mga sumunod na araw. Sinisimulan ng ipatayo ang malaking Mall na pag-aari ng nobyo ko. May mga pagkakataong buong maghapon kaming hindi nagkikita. Pero naiintindihan ko naman ito at alam kong abala ito sa bagong proyekto. Simula rin na may mamagitan sa aming dalawa, doon na ito halos tumira sa condo ko. No'ng una, nag-suggest ito na sa condo na nito kami tumira. Pero hindi ko magawang iwanan ang sariling condo ko. Siguro dahil tanda iyon ng katas ng pinaghirapan ko bilang isang Architect. Habang nakatutok sa laptop ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Hi, baby. Puntahan kita mamaya, sabay na tayong kumain. I love you." Bigla akong napangiti. Laking pasalamat ko at wala ang mga kaibigan ko. Walang mangungulit, mang-aasar at manunukso sa akin. Sobra pa namang d

