UMINIT ang mga mata ni Danilo ng makita ang isang bangkay na may takip sa loob ng morgue. Bigla niyang nayakap ng mahigpit ang kaniyang asawa ng umiyak ito ng malakas. Umigting ang panga niya sa pinipigilang mapaluha. Hangga't wala pang kasiguraduhan, hindi siya maaaring umiyak! Malakas ang kutob niyang 'di basta-basta papayag ang isang Sofia Domingo na ganoon-ganoon na lang ito maglalaho lalo na't alam nitong may naghihintay sa kaniya! "Daddy.." wika ni Alex na nakaalalay kay Daniel na panay iyak habang nasa tapat ng bangkay. Nilapitan ko ang mga ito. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago dahan-dahang tiningnan ang bangkay. Bigla akong napapikit ng makitang sunog na sunog na nga ito! Lalo namang napahikbi ng malakas ang asawa ko. "A-ang anak natin..!" Tumiim-b

