KASALUKUYAN akong pumipirma ng mga dokumento ng marinig ko ang vibrate ng cellphone ko. Kaagad ko iyong kinuha mula sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Kumunot ang noo ko. Unknown number at mukhang telepono ang gamit nito? "Yes--" "Sir.." Bigla akong napaupo ng tuwid. Kumabog din ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. "Manong Ched? May problema--" hindi pa ako nakakatapos magsalita ng bigla itong mapaiyak sa kabilang linya. Doon ako biglang napatayo. Nagsitayuan ang balahibo sa braso ko. "Anong nangyari--" "Si Ma'am Sofia po.." Nahirapan akong lumunok. Parang nangatal ang kalamnan ko. "Diretsuhin niyo ako. Anong nangyari sa asawa ko? Nasaan ka?" sunod-sunod na tanong ko. Suminghot-singhot ito sa kabilang linya. "Kinidnap ang asawa niyo sir. Bigla na lang may pumalo sa ulo ko.

