PINAKATITIGAN ko ang mga anak bago iniwan sa tatlong yaya. "Sandali lang ako. Pakibantayan ng maayos ha?" habilin ko sa tatlo. "Opo, maam," sabay-sabay nilang bigkas sabay yuko. Muli kong kinintalan ng halik ang tatlong anak. Ngayon ko lang magagawang lumabas simula ng manganak ako. Next week, na kasi ang kaarawan ng asawa ko. At gusto kong regaluhan ito na ako mismo ang bibili. Isang lingon pa ang ginawa ko sa mga anak. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kalungkutan? O dahil ito ang pagkakataong mapag-iiwanan ko ang mga ito? Pero sandali lang naman ako. Pero bakit ba mabigat ang pakiramdam ko na iiwanan ko ang mga ito? Bigla akong napabuga ng hangin. Pagkababa mula sa kuwarto, 'agad kong hinanap si Manang Linda. Ang mayordoma ng mansion. "Manang

