AUSTRALIA Napangiti ako ng makitang halos tumatakbo si Sofia papalapit kila mommy't daddy. Mukhang wala na ang anomang pagtatampo nito no'n. "Mom, dad!" Nagyakapan ang tatlo. "I miss you, 'nak!" wika ni mommy. Hinaplos naman ni daddy ang buhok ni Sofia. "Miss na miss ko na rin po kayo!" Nakangiti pa ito. Hanggang sa tumingin ito sa akin. Ang luwang ng pagkakangiti nito ng lumapit sa 'kin. "Sofie!" Gigil pa ako nitong niyakap. Napangiti naman ako. "Kumusta?" tanong ko. Nang hawakan nito ang kamay ko. "Sa bahay na tayo magkuwentuhan!" Lihim akong napalunok ng makita ang kislap sa mga mata nito. Ganitong-ganito ang galawan nito no'n habang ikinukuwento sa akin kung gaano niya kagusto si Alex. HINDI pa ako halos nakakapagpahinga ng marinig ko ang mga yabag. Si Sofia. Lumu

