CHAPTER 36

1563 Words

SATURDAY Kinikilig ako habang nakatitig sa lunch box na bitbit ko. Papunta ako sa Priscela's Company. 'Di ko nga inaasahan na magpapadala si Alex ng pagkain. Ito ang unang pagkakataon na makakaapak ako sa kompanya ng mga ito. Ito rin ang unang pagkakataon na madadalhan ko ito ng lunch meal. Ako pa mismo ang nagluto no'n. Pakiramdam ko nga para-paraan lang ito ng fiancé ko upang puntahan ko ito sa opisina nito. "Hinatayin niyo na lang po ako Mang Ed." "Sige po, senorita." Nagpakawala ako ng buntong hininga. Lumapit ako sa receptionist. "Good afternoon, ma'am. " "Hi, Good afternoon. Nandiyan po ba si Alex Grey?" "May appointment po ba kayo sa kaniya, ma'am?" magalang na tanong nito. "Hmm, wala po. May ibibigay lang sana ako sa kaniya." "Kaano-ano po kayo ni Sir Alex, ma'am?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD