DALAWANG taon ang nakalipas. KANINA pa namumula ang mukha ko sa panunukso ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman mapigilang kiligin ng husto. Parang kailan lang, ipinagkakasundo pa lang kami ni Alex, ngayon ikakasal na! Sa susunod ng buwan ang kasal naming dalawa. At labis na natuwa si Nhikira sa nalaman nito. Ganoon din si Daniel. Uuwi ang mga ito ngayong buwan. Samantalang hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kakambal ko ang tungkol sa kasal namin ni Alex. Balak kong huling linggo bago ang kasal saka ko babanggitin dito ang lahat-lahat. "Parang ako 'ata ang ikakasal, hindi na ako makapaghintay e!" palatak ni Luzy na ikinangiti ko. "Malay mo, next year ikaw naman!" wika ko. Bigla itong tumili ng mahina. "Sana nga, Sofie.." pabulong pa nito. BANDANG tanghali ng bigla akong m

