JAVIER BUMALIK muli ako sa Manila upang magtrabaho. One week akong nandito at ang mag-iina ko ay nasa Baler. Mabuti at pumayag si Sarah sa set up namin. Uuwi ako ng Baler sa gabi ng Friday para makasama ko sila ng matagal. Nagkaroon kasi ng problema sa company kaya kailangan ko munang resolbahin ang problema bago ako bumalik sa Baler. Habang abala sa trabaho ko ay may bigla na lang pumasok sa loob ng opisina ko. Napaangat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Cassandra. Akala ko titigilan na ako ng babaeng ito nang malaman niyang may asawa na ako at mga anak? Bakit nandito na naman siya? Napabuntonghininga ako. Ibinaba ko ang salamin sa mga mata ko at hinarap ang babae. “What do you want?” deretsahan kong tanong sa kanya. “I want is you, Javier. Kahit may asawa ka na o

