SARAH HABANG pinapakain ko ang quintuplets may hindi inaasahang bisita. Nangunot ang noo niya nang makita kung sino ang bisita. “Manang, ikaw na po muna ang magpakain sa kanila.” Sabi ko sa katulong namin. Tumayo ako sa upuan at pinuntahan ang taong dumating. Nakita ko ang isang babaeng matangkad at may magandang hubog ng katawan. Nagpapaypay ito ng kanyang kamay na tila init na init sa paligid niya. Tumikhim ako ng malakas para kuhanin ang kanyang pansin. Napalingon ang babae na may suot na sumbrerong malaki na halos sakop na ang ulo niya. Nakasuot pa ito ng shade na tinted. Napatingin ako sa suot nitong fitted dress na sobrang ikli ng tabas. Konting yuko lang nito kita na ang kuyukot nito. Umabot lang kasi sa gitna ng kanyang hita. Ibinaba nito ang shade at nakataas pa ang kilay n

