SARAH PRENTENG akong nakaupo sa malambot na sofa habang nakatunghay sa babaeng mataray. Humalukipkip siya at tiningnan ko ang babae. “Alam ba ng kuya mo itong ginawa mo?” tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit naman kailangan malaman ni kuya Lucas ang ginawa ko? Saka nagkamali ang mga tauhan ko sa dudukutin nilang babae. Hindi ikaw iyon kaya wala akong kasalanan!” inis na sabi nito. “Lagot ko doon kapag nalaman niyang dinukot mo ako.” Mas lalong sumalubong ang kilay nito sa sinabi ko. “Narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba? Nagkamali ang tauhan ko sa dinukot nila. Puwede ka ng umuwi,” sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. “Kahit na ikaw pa rin ang salarin. Uuwi ako ng naglalakad? Seryoso ka ba? Ang layo kaya ng pinagdalhan mo sa akin. Saka sigurado hinahanap na

