STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #22// KANINA pa nagpipigil ng pagtawa si Jet. Zoe is acting weird. Nakatago ito sa likudan ng menu sa isang restaurant na kakainan nila. Jet waits for the right moment. Hindi naman ito nagtagal at napansin na naman niyang binababa ni Zoe ang menu nito. Sinaktuhan naman niyang tumingin kay Zoe. Huli! Agad naman nitong binalik ang pagtakip sa mukha at napailing si Jet at napangiti na lang. "What are you doing, Zoe?" Gaya ng inaasahan niya, hindi ito sumagot. "What are you ordering?" pagsubok niya ulit dahil naghihintay na ang waiter sa kanila. Sinanggi niya ang paa nito sa ilalim ng table pero wala pa din nangyari kaya naman siya na ang um-order. "Zoe," pagtawag niya dito nang umalis na ang waiter. Sinilip lang siya nit

